It's Showtime kicks off 6th anniversary with Kapamilya Day

What is in store for Kapamilyas on September 26?

BY
EJ Salut

FRESH SCOOPS

09/20/2015 12:35 AM
It's Showtime kicks off 6th anniversary with Kapamilya Day
091915-showtime_push.jpgSa umpisang pasabog ng It's Showtime para sa kanilang ika-anim na anibersaryo, inanusyo nila na magkakaroon ng It's Showtime Kapamilya Day sa September 26, Sabado at gaganapin ang programa sa Araneta Colliseum for the first time. 

Makakasama nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Coleen Garcia, Kim Atienza, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang at Eric Tai ang malalaking bituin ng Kapamilya network tulad ng mga love teams nina Kathryn Bernardo-Daniel Padilla, James Reid-Nadine Lustre at Enrique Gil-Liza Soberano. 

Magbibigay suporta din sa It's Showtime Kapamilya Day ang hottest stars mula sa Primetime Bida at Kapamilya Gold shows tulad ng Nathaniel, Pangako Sa Yo, On The Wings of Love, Pinoy Big Brother, All Of Me, Ningning, Doble Kara at marami pang iba. 

Abangan ang announcement kung paano makakakuha ng tickets sa masaya at malaking event na ito.