Actor at gay lover, may “forever”

BY
Miss Lyka

FRESH SCOOPS

09/19/2015 08:26 AM
Actor at gay lover, may “forever”
091915-blinditem_push.jpgMatagal na ang relasyon ng award-winning actor at ng bading na taga-showbiz din. Hindi pa man nape-penetrate ng actor ang showbiz, nasa tabi na niya ng gay lover para tulungan ito sa lahat ng pangangailangan niya.

Hindi naman itinatanggi ng actor ang mga nagawa sa kanya ng gay lover. Ina-acknowledge niya ito kaya lang not in front of the camera kasi nga naman tiyak na magiging isyu yon. Pero kapag magkasama ang dalawa, nire-reciprocate naman ng actor ang “kindness” ng dyowa niya.

May mga kakilalang producer sa showbiz ang bading kaya madali niyang napakiusap ang mga ito na kunin ang actor sa mga indie films. Nagkasunud-sunod ang pelikula ng actor hanggang mapansin na rin ang kanyang acting.

Dakila at wagas ang pagmamahal ng bading sa actor dahil kahit nag-asawa na ito ay hindi pa rin siya bumitiw. May mga anak na ang actor pero nananatiling lihim ang kanilang relasyon lalo na sa asawa nito. Mabuti na nga lang at hindi nahahalata ni misis na may something sa actor at sa bading na taga-showbiz.

Halos magdadalawang dekada na ang kanilang relasyon ngayon and para sa bading, ang actor na ang kanyang “forever.” Hindi na rin daw  siya magmamahal ng iba pa. Wow naman.

In fairness sa actor, wala kaming nabalitaan noon na pumatol siya sa ibang bading na director at producer. Loyal din naman talaga siya sa dyowang bading.

Clue ‘ka n’yo? Wala, eh. Hahaha.