Pastillas Girl, dapat handa sa kanyang mga bashers!

BY MISS LYKA

FRESH SCOOPS

9/18/2015 5:11 PM
Pastillas Girl, dapat handa sa kanyang mga bashers!


091815-pastillasgirl_pushers.jpgRamdam na ramdam na ang presence ni Angelica Jane Yap a.k.a. Pastillas Girl sa Philippine television dahil sa It’s Showtime. Aba, lahat na lang ng kilos niya ngayon ay pinapansin.

Ikinu-compare na rin siya kay Yaya Dub at makikita ito sa social media. Pati ang diumano’y “pagmumura” niya raw, big isyu na rin. Marami ring naartehan sa kanya, pero meron din namang mas type ang beauty niya.

Sa ibang male audience, malakas ang sex appeal ni Pastillas Girl. Ideal girlfriend material nga raw siya. And they don’t care kahit may isyu sa kanya. Katwiran nila, wala namang taong perpekto, lahat ay nagkakamali.

Sabagay, tama naman sila.

Nang mapaiyak si Pastillas Girl sa It’s Showtime dahil sa pamba-bash sa kanya sa social media ay mas nakilala pa siya ng publiko. Hindi nga naman niya kasi inakala na dahil sa It’s Showtime at sa pag-o-open-up niya ng kanyang buhay sa programa ay daranasin niya ang  ganu’n.

But still, ang maganda, very thankful siya sa programa at kay Vice Ganda na pinayuhan pa siya on how to deal with her bashers.

After that episode ng It’s Showtime when Pastillas Girl cried, mas naintindihan din siya ng televiewers lalo na nu’ng sinabi niya na huwag naman sana siyang i-judge at dapat ay kilalanin muna siya.

At dahil sincere si Pastillas Girl sa kanyang mga sinasabi at ramdam na galing talaga ito sa puso niya, mas nakakuha siya ng sympathy. Marami tuloy ang nagwi-wish na mahanap na nga niya ang tunay na pagmamahal.

Sabi pa nga ng iba, at least, totoong tao daw si Pastillas Girl na walang pretension. Hindi rin daw siya nagbabait-baitan lang.

Ngayong unti-unti nang nagiging household name si Pastillas Girl, dapat ay ready na siya how to face her bashers and her battles. Lahat ng yan ay kailangan niyang pagdaanan in order to achieve her goal na makahanap ng tunay na pagmamahal not necessarily mula sa mga nanonood ng It’s Showtime kung hindi within herself.

Pak!