Boy Abunda speaks up about Kris Aquino leaving ‘Aquino and Abunda Tonight’

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/18/2015 08:44 AM
Boy Abunda speaks up about Kris Aquino leaving ‘Aquino and Abunda Tonight’
091815-boy_main.jpgAll smiles ang king of talk na si Boy Abunda ng humarap para sa media launch bioang endorser ng Goodah! fastfood chain. Ibinahagi ni Boy na personal din ang latest niyang ini-endorse dahil nagbahagi siya ng sarili niyang recipe ng "Bistek Tagalog" na niluto niya mismo sa harap ng media.

"Wala naman tayong formal na education pagdating sa pagluluto may mga kamaganak tayo na chef at specialty naman ng aking nanay ay ang humba. Itong Bistek recipe natin ay isa sa ating mga paborito na matitikman na nila ngayon sa Goodah as Bistek ni Boy."

Dito rin ibinahagi ni Boy ang malaking pagbabago na magaganap sa kanilang nightly talk show na Aquino and Abunda Tonight kung saan tatlong linggo ng hindi napapanood si Kris Aquino.

"Number one health reasons ang dahilan ng ‘di pagpasok ni Kris sa aming programa at pangalawa naman ay ang tinapos niyang pelikula na Etiquette for Mistresses at sisimulan niya pa ang isang pelikula para naman sa MMFF."

Makakasama pa rin daw si Kris buong linggo next week para makapag paalam sa kanilang followers.

"Friday of next week ipauubaya na niya sa akin ang show and it will transition to Tonight with Boy Abunda which is a transitional show to the show we want to do eventually."

Ilang beses na rin daw ito nangyari sa kanila ni Kris ayon kay Boy. May nagsisimulang mga shows at may natatapos pero patuloy pa rin ang kanilang pagkakaibigan.

"Alam ko magkakabalikan kami muli we always look forward to the next show."