Piolo Pascual reveals plans for son Inigo’s 18th birthday

Piolo Pascual says his role in ‘Silong’ is a nice diversion.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/18/2015 6:05 AM
Piolo Pascual reveals plans for son Inigo’s 18th birthday


091715-PIOLO_main.jpgMasayang ikinuwento ni Piolo Pascual na nasa wastong edad na ang kanyang anak na si Inigo na nag-celebrate ng 18th birthday nito last September 14. Ito na rin daw ang panahon para maasikaso na rin ni Piolo ang personal na buhay niya.

"Now that he is 18, I can enjoy more now that he is an adult."

Naganap kagabi, September 15, ang premiere showing ng indie film na Silong at hindi nakadalo si Inigo pero may plano naman daw silang mag ama para mag celebrate ng birthday ni Inigo.

"Dapat nandito siya eh! Tomorrow we are going on a vacation just the two of us."

Positive reviews ang nakuha mula sa audience kagabi matapos mapanood ng Silong at ayon kay Piolo, nakakatuwa at masarap sa pakiramdam na makagawa ng kakaibang mga roles na malayo sa usual na mga papel na ginagampanan niya.

"Definitely! It’s a diversion to do something different, nakaka-mangha!"

Unang ipinalabas ang Silong bilang closing film sa 2015 Cinemalaya Film Festival at regular showing niya simula ngayong araw.