What celebrities do while stuck in traffic

With the traffic situation in Metro Manila worse than ever, celebrities are trying to make the most of the situation.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/15/2015 11:45 PM
What celebrities do while stuck in traffic


091515-traffic.jpgKung may isang topic na trending araw araw sa social media, pasok na pasok ang #traffic at #mayforever dahil sa literal na traffic na "pinagdadaanan" natin sa streets ng Metro Manila particularly sa EDSA.

Nag-share ang ilang celebrities kung ano ang mga ginagawa nila habang naiipit sa traffic para mawala ang inip at bagot.

Si JK Labajo, street games ang naiisip kapag nasa traffic sa loob ng kanyang sasakyan.

"Ako po yung normal things na ginagawa sa sasakyan kapag traffic pero one time na stuck kami sa traffic like two hours wow! Kulang na lang po nag patintero kami sa loob ng sasakyan."

Si Lyca Gairanod naman sinasamantalang maka catch up sa kanyang pagtulog sa mga oras na traffic

"Ako po kapag traffic naglalaro po sa cellphone minsan po natutulog po."

Ang kanyang creativity sa pag sketch ang binibigyang oras ni Darlene Vibares kaya lagi daw siyang may supply ng papel at pencils sa sasakyan

"Kapag traffic po kumukuha ako ng papel nagdo-drawing drawing ako or kung minsan nagse-cellphone po or makeup makeup po."

Si Darren Espanto, nagbigay pa ng tip sa mga motorista para mai maximize ang oras na nawawala dahil sa traffic.

"Dapat po if you get to your destination wag na kayo umalis kasi it would take another hour to get to another place dahil sa traffic."

Si Bossing Vic Sotto, dalang dala na sa EDSA traffic kaya sa alternate routes na siya nagdadaan araw araw.

"Coming from the south I usually passed by SLEX and C5 diretso Sta. Mesa. I avoid EDSA so I don’t know."

Kahit marami na ang galit dahil di pa rin nakakahanap ng solution sa traffic sa Metro Manila, positive pa rin dito si Anne Curtis na may katapusan ang lahat.

"But you know what with the adjustments of the government, we hope that we see the improvements with the traffic."

Ningas cogon naman ang perfect comparison ni Direk Joey Reyes sa traffic situation sa Metro Manila.

"Maganda ang resulta ng first day (of HPG taking over traffic management) pero ng umuwi ako same day from Makati to QC ganun pa rin isang oras at kalahati pa rin ang trapik sa EDSA."

Gaya nating lahat, hoping ang favorite celebrities natin na lumuwag na ang EDSA para hindi na nega ang meaning ng #mayforever.