TV executive “sinipa” ng network na pinaglilingkuran

BY MISS LYKA

FRESH SCOOPS

9/16/2015 6:04 AM
TV executive   “sinipa” ng network na pinaglilingkuran


091615-blinditem_main.jpgTwo years pa dapat ang itatagal ng kontrata ng isang TV executive sa television network na kanyang pinaglilingkuran, pero dahil hindi na bet ng kumpanya ang mga pinaggagawa niya, “sinipa” na ito kahit pa meron pang 2 years na natitira sa 5-year-contract na pinirmahan niya.

Ang katwiran ng TV network, masyadong mahal at magastos ang mga idea ng  TV exec. Hindi rin nila maintindihan kung bakit tsinugi ang ilang programa na nagre-rate naman at pinalitan ng mga palpak na shows.

Marami ang nainis na production staff sa TV exec nang pumasok ito sa TV network, pero mas dumami ang naimbiyerna sa kanya nu’ng umiral na ang pagiging pakialamera niya.

Ang TV exec din daw ang dahilan kung bakit hindi na ni-renew ng network ang kontrata ng isang host-actress na ngayon ay namamayagpag ang career sa nilipatang istasyon. Katwiran pa raw nito noon, walang K ang host-actress at hindi ito sisikat. Kaya lang, mali ang prediction niya.

Clue: My letter “A” sa dulo ng first name niya at “E naman sa surname.