• Home
  • Fresh Scoops
  • Jasmine Curtis-Smith admits she is not ready to be in a relationship again.

Jasmine Curtis-Smith says she can only be friends with Brian Poe-Llamanzares for now

Jasmine Curtis-Smith admits she is not ready to be in a relationship again.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/16/2015 06:08 AM
Jasmine Curtis-Smith says she can only be friends with Brian Poe-Llamanzares for now

091515-jasmina.jpgAyaw maging pagbigla-bigla ni Jasmine Curtis sa pagdedesisyon pagdating sa pag-ibig lalo pa nga’t katatapos lang ng huli niyang relasyon with singer-actor Sam Concepcion.

Sa presscon ng Resureksyon, iginiit niya na hanggang friendship lang muna ang kaya niyang i-offer sa manliligaw na si Brian Poe Llamanzares na sorpresang pinuntahan siya sa presscon ng My Fair Lady ng TV5.

Mas type muna raw niyang maging single at pagbuhusan ng panahon ang kanyang career.


“Actually, it’s not just him (Brian). You know, I think, for me to lie and entertain other people, it would be unfair on them because I can’t reciprocate the effort and the time with what I want to do right now,” katwiran agad ng kapatid ni Anne Curtis.

“At saka siyempre, ‘pag ako naman, walang trabaho, mas gusto ko na lang magpahinga or I want to focus on the friendships that I’m making so if ever naman, I’m not [shooing] them away, gusto ko rin naman silang maging friends. If ever willing silang maging friends, game ako,” dagdag pa niya.

Nakausap na rin daw niya si Brian, pero siyempre, hindi niya binanggit ang tungkol sa desisyon niya. Ayon pa sa dalaga, she finds Brian a very intelligent guy.

“He’s someone I can see myself being friends with,” say pa niya.

Ibig bang sabihin, basted na sa kanya si Brian?

“Grabe naman. Well… I wouldn’t say, I just… we’re friends,” reaksyon niya.

Sa palagay ba niya, tanggap ni Brian na friends lang sila?

“He understands where I’m coming from. He knows na I’m very very busy and we both know naman na I guess, our priorities as well,” sagot pa niya.

Ibig bang sabihin, wala na talagang chance si Brian sa kanya?

“Well, I don’t say that. Ang sabi ko lang, I’m not ready to have a boyfriend but you can never tell when you’re ready. But everyone has a chance with everyone. Pero siyempre, depende rin yon sa priorities mo and what you’re focusing on at that time. For now, parang… work muna,” sey pa niya Jasmine.