• Home
  • Fresh Scoops
  • Isabelle Daza is satisfied with her first TV series on ABS-CBN

Isabelle Daza is satisfied with her first TV series on ABS-CBN

Isabelle Daza is satisfied with her first TV series on ABS-CBN

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/16/2015 06:06 AM
Isabelle Daza is satisfied with her first TV series on ABS-CBN

091515-isabelle.jpgBida si Isabelle Daza sa pelikulang Resureksyon ng Regal Films at Reality Entertainment na palabas na sa September 23. Pero bago niya tinanggap ang horror movie, kinausap muna daw niya nang masinsinan at tinanong ang baguhang direktor na si Borgy Torre tungkol sa role niya sa pelikula.

“When I read the script, may mga questions ako that need to be answered. True enough, nasagot naman ni Direk Borgs,” pahayag ni Isabelle.

Pero idinagdag ni Isabelle na kahit first mainstream movie pa lang ni Direk Borgy ang Resureksyon ay napakalaki raw ng tiwala niya rito.


“Every time naman na may project akong ginagawa, I always trust my director. Sila naman ang nakakaalam ng lahat… Hindi isyu sa akin if you’re a new director or what… I will definitely respect you kasi you’re my director,” dagdag pa niya.

Samantala, sa TV, unang assignment ni Isabelle sa ABS-CBN ang series na Nathaniel na malapit nang magtapos. Meron na ba siyang kasunod na project? 

 “I’m happy with Nathaniel now, I’m very challenged. I don’t expect them to give me everything right away. Siyempre, kailangan ko pa ring i-prove ang sarili ko and ‘yung kakayanan ko. And I’m very happy naman with ABS-CBN.

“Of course, I am still in touch with the people of Eat Bulaga with my very good friends, so, it’s not a closed relationship,” sabi pa niya.

Papayagan kaya siya ng ABS-CBN para mag-promote ng Resureksyon sa Eat Bulaga?

“I don’t know. It’s up to them, it’s not up to me… Hopefully payagan ako. Hopefully they will allow me,” sagot pa niya.

Samantala, hindi man napapanood ng nanay niyang si Gloria Diaz ang mga eksena niya sa Nathaniel, lagi naman daw niyang natatandaan ang advice na binigay nito sa kanya kung paano umarte.

“She always says to act with your eyes and speak with your eyes… and you’re only as good as your last scene, so, kailangang galingan mo yan kasi hindi naman malalaman ng audience if 4 am na yan tinake, di ba? What they’re going to see is the final take, hindi naman alam ng audience na pagod ka, so ‘yon,” kuwento pa niya.

Eh, ano ang reaksyon niya na patapos na ang first soap opera niya sa ABS-CBN?

“Ah… I’m excited to see the end ng show only because I wanna know talaga what’s going to happen, but siyempre, matagal na rin, almost November kami nag-tape, one year na rin kaming magkakasama. It’s a bit poignant, it’s beautiful and painful but I’m happy about it,” reaksyon pa niya.

Kasama ni Isabelle sa Resureksyon sina Paulo Avelino, John Lapus, Jasmine Curtis-Smith, Alex Castro at marami pang iba.