• Home
  • Fresh Scoops
  • Will "Honor Thy Father" join the official entries in this year's MMFF?

John Lloyd Cruz reacts on possible inclusion of his movie in the MMFF

Will "Honor Thy Father" join the official entries in this year's MMFF?

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/14/2015 11:55 AM
John Lloyd Cruz reacts on possible inclusion of his movie in the MMFF
091415-john.jpgWala pa man formal announcement ang Metro Manila Film Festival commitee sa ngayon, mukhang may mga pelikulang magba back out sa darating na MMFF sa December. Sa ibinigay na official list, naka stand by ang pelikulang Honor They Father na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz at binigyang direksyon ni Erik Matti sa screenplay ni Michiko Yamamoto. At kung may mawawalang pelikula ay papasok na sa official list ang inaabangang project na ito ni John Lloyd.

"Tingnan natin sana kung yun ang pinaka magandang venue para sa pelikula, yes bakit hindi di ba?"

Ayaw mag expect ng kahit ano ni John Lloyd basta ang alam niya ay maganda ang pelikula na kanilang natapos. Kasali ang Honor Thy Father sa Toronto International Film Festival ngayong September.

"Wala talaga expectations pero dahil sa nangyari na di pagtanggap sa amin nakagawa rin kami ng ibang plano para sa pelikula and I think mas nakaganda pa eh, bahala na," sabi pa ng aktor. 

Bukod sa Canada, dadalhin din ang pelikula sa Germany, Isarael, France, Greece at South Africa. Kasama ni John Lloyd sa pelikula sina Meryl Soriano at Tirso Cruz III.