• Home
  • Fresh Scoops
  • Enrique Gil and Liza Soberano continue with the shooting of their movie.

Enrique Gil on London issue: 'You have to own up to it'

Enrique Gil and Liza Soberano continue with the shooting of their movie.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/14/2015 11:59 AM
Enrique Gil on London issue: 'You have to own up to it'
091415-enrique.jpgGood mood at positibo na si Enrique Gil ng magpa-interview sa atin sa red carpet ng 9th Star Magic Ball. Kasama si Liza Soberano, nagpasalamat si Enrique sa kanilang followers na hindi bumitiw sa kanila sa kabila ng issue na naganap sa London ng mag special show doon ang ASAP 20.

"Thank you sa lahat. You have to own up to it and that's it. Sa lahat ng fans na sumusuporta po sa amin maraming salamat po. I feel good yun na po ang last statement ko and I am happy na tapos na," pahayag ng aktor. 

Si Liza naman, katabi si Enrique ng magbigay ito ng public apology. Ito daw ang bahagi ng kanyang suporta sa kanyang ka tandem.

"Siyempre po, kailangan nandoon ako to support. Salamat po," maikli niyang pahayag. 

Sa mga negative reactions naman ng publiko sa nangyari, ayaw ng mag comment ni Enrique dahil hahaba na naman daw ang issue.

"Tama na po, tama na. Yung nga tao hindi nila alam ang story, ang dami write ups na lumalabas na really add to what happened, so para sa akin, tama na po. Tapos na." 

Sa Martes, balik shooting sina Enrique at Liza para sa kanilang pelikulang "Everyday I Love You.