• Home
  • Fresh Scoops
  • Ellen Adarna reportedly ditched Ejay Falcon for Paulo Avelino.

Ejay Falcon defends Ellen Adarna: ‘She’s an amazing date’

Ellen Adarna reportedly ditched Ejay Falcon for Paulo Avelino.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

09/15/2015 02:59 AM
Ejay Falcon defends Ellen Adarna: ‘She’s an amazing date’
091415-ejayellen_push.jpgSa ulat mula sa TV Patrol, hindi pa rin nawala ang kontrobersiya sa 9th star magic ball na ginanap noong Sabado, September 12.

Bulung-bulungan ang pagka-tipsy diumano at ginawang pag-iwan ni Pasion De Amor star Ellen Adarna sa kanyang co-star at date na si Ejay Falcon. Sweet pa diumano ang dalawa sa red carpet, pero sa party ang kasama na ni Ellen ay si Paulo Avelino. Nahuli pa ng camera ang dalawa na magka-holding hands. Si Ejay naman ay naiwang mag-isa sa party, na tila asar sa nangyari.

Mabilis naman ang depensa ni Ejay kay Ellen. Nagpost ang aktor sa kanyang Instagram account ng kanyang saloobin:

“Please don't judge her. She’s an amazing date. Nagenjoy ako kasama siya. wala rin namang problema na makipagusap siya sa mga malapit niya rin na kaibigan. Party naman yun so natural lang na mag-interact sa ibat ibang tao. Happy at thankful pa rin ako na pumayag siya maging date ko. I wouldn’t change a thing.”