• Home
  • Fresh Scoops
  • Ejay Falcon denies he’s immature like what his co-star Ellen Adarna says.

Ejay Falcon addresses issues on being ‘immature’

Ejay Falcon denies he’s immature like what his co-star Ellen Adarna says.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/12/2015 10:50 AM
Ejay Falcon addresses issues on being ‘immature’
091215-ejayfalcon_push.jpgAgad na nagpaliwanag si Ejay Falcon sa naging pahayag ng ka-love team niya sa Pasion de Amor na si Ellen Adarna tungkol sa pagiging “immature” at masyadong sensitive ng aktor.

Halata namang nagulat si Ejay na mismong during the presscon for the second season of Pasion de Amor saka naman nagbigay ng ganu’ng pahayag ang kapareha sa serye.

“Naging sensitive talaga ako nu’ng mga panahong mabibigat yung mga eksena namin sa Pasion de Amor at halos one month akong segue-segue (taping sa Pasion at Wansapanataym), tapos pakiramdam mo, may pagkakataong nainsulto ka, so, ang bilis kong mag-react sa mga bagay-bagay.

“Naging emosyonal talaga ako, pero feeling ko talaga, do’n lang yon. Ngayon naman, sobrang okey na ako, eh. Pero yung one month na yon, sobrang hirap na hirap talaga ako,” depensa agad ni Ejay sa isyu.

Pati ang isyung mapagpatol (patola) siya sa isyu ay nagbigay na rin siya ng reaksyon.

“Feeling ko, yung patola na yan, yon na yung sensitive, eh. Kasi, minsan ‘di ba kapag ginaganun ako, sumasagot talaga ako. Pero hindi talaga yung patola na pikon. Hindi naman ako sumasagot o lumalaban sa babae, na nananakit ng babae sa salita. As in, wala lang, sumasagot lang ako ng normal. Pero gentleman pa rin naman ako,” katwiran ng actor.

Sa isyu naman ng pagiging immature daw niya, sey ni Ejay, “Hindi ako immature na tao, sobra lang siyang matured… sobra siyang matured.

“Sabi ko nga, pipilitin kong mahabol kung mahahabol ko (yung pagiging matured), pero impatient daw siya, so, wala tayong magagawa do’n. Pero ako talaga, hindi talaga ako immature at alam kong hindi ako immature na tao.

“Hindi lang ako yung matured na kagaya niya kasi ba naman, sa dami ng karanasan niya, eh, talagang kung sa akin binigay yung ganyang chance, yung experience na ganu’n, eh, baka higit pa diyan yung pagiging matured ko,” diin pa niya.
091215-ejayfalcon_push.jpgAno ba ang nagiging reaksyon niya kapag nakaka-encounter siya ng ganitong pahayag sa kanya?

“Hindi naman ako napipikon, eh. Sa babae nga, hindi ako napipikon, nagkataon lang talaga na one month na bukas yung senses ko sa pag-arte at ang bibigat ng mga eksenang ginagawa ko, na parang ipa-pack-up ako ng 5 am sa Pasion tapos segue ako sa Wansapanataym ng 7 am. Don na nga ako naliligo sa set, eh.

“Kumbaga, yung pagiging patient ko, nawala. So, nagiging mainit yung ulo ko talaga. Pero ganu’n lang yon,” katwiran pa niya.

Hindi kaya kailangan lang niya ng bagong inspirasyon ngayon after ng dalawang taon niyang relasyon with Yam Concepcion?

“Ako naman kasi hindi naghahanap. Kusang nararamdaman yan. Kami naman ni Ellen, okey naman kami… Saka, wala pa talaga, eh. Ba’t namin madaliin. Steady lang muna tayo,” reaksyon pa ni Ejay.

Ayon pa kay Ejay, may mga panahon daw na hinahanap din niya ang kilig ng pakikipagrelasyon.

“Masarap kasing umuwi sa bahay mo na kinikilig ka… Kasi ngayon, umuuwi ako ng bahay na walang ganu’n. Hinahanap-hanap ko talaga yung kilig, eh, kasi yon nga, ang tagal kong hindi naramdaman, eh. Wala akong girlfriend, kaya yon…” sey pa ulit ni Ejay.