Preparations for the Star Magic Ball are in full swing

Stars like Erich Gonzales, Daniel Matsunaga and Coleen Garcia are excited for the most prestigious event of 2015.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/12/2015 3:08 AM
Preparations for the Star Magic Ball are in full swing


091115-STARMAGIC.jpgFull swing na ang paghahanda para sa 9th Star Magic Ball na magaganap ngayong sabado September12 sa Makati Shangri La Rizal Ballroom. Kanya kanyang fitting na ang ABS-CBN stars sa kanilang napiling designers ng isusuot nila sa big night.
 
Ang magka-relasyon na Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, magkasabay na nag fitting kay Francis Libiran.

Ayon kay Erich, may freehand si Francis sa design ng kanyang gown dahil alam na nito ang gusto niya.

"Sabi ko naman kayo na ang bahala basta ang bilin ko lang wag revealing, wag sexy," sabi ng aktres.

Si Daniel Matsunaga mas excited sa first time na pagdalo ng ball na may GF na siyang kasama.
Ball2.jpg
"Super excited ako lalo kasi first time kasama ko si Erich and yun first time ko going with a girlfriend sa Star Magic [Ball]," paliwanag niya.

Ang sexy tandem nina Ellen Adarna at Ejay Falcon ng Pasion De Amor, color coordinated daw ang isusuot. Ayaw muna magbigay detalye ni Ellen tungkol dito.

"Chill lang muna ako ngayon, tsaka na tayo mag usap! See you on Saturday!" pahayag ny sexy star.

Ok din naman kay Ejay ang napiling tema ni Ellen na magka terno sila sa ball.

"Yes nag usap na kami, abangan nyo na lang kami sa ball," sabi rin nito.

Bukod sa local designers gaya nina JC Buendia, Rajo Laurel, Randy Ortiz at Pepsi Herrera, pasok din ang international designers na sina Alexander Macqueen na isusuot ni Bea Alonzo; YSL naman para kay Zanjoe Marudo at Dior para kay Piolo Pascual.
 
Malaking challenge daw ito para sa local designers na mas taasan pa ang kalidad ng kanilang mga obra sa world class na standards ayon kay Francis Libiran

"For us designers its a challenge eh kahit na may Alexander McQueen or Dior, aangat pa rin ang gawa ng pinoy iba pa rin ang gawa ng Pinoy eh."

Dahil star studded ang event, madalas din na puno at pinagmumulan ng issues ang Star Magic Ball. Malaking lesson ang natutunan ng magka relasyong Billy Crawford at Coleen Garcia na naging sentri ng issue last year.

Pag iingat at wholesome fun na lang daw sila ngayon, ayon kay Coleen.

"Ayun hindi na kami lalabas pero ano just be responsible you know, since that day Billy stopped smoking and drinking so it’s been a year,” sabi ng It’s Showtime host.

Maraming fans ang looking foward sa 9th Star Magic Ball ang mag aabang sa social media para sa updates at sa pagpaplabas nito sa Linggo sa ABS-CBN’s Sunday’s Best.