Paulo Avelino gives advice to Enrique Gil

Paulo Avelino also reacts on talks about his and KC Concepcion's reconciliation in London.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/12/2015 3:06 AM
Paulo Avelino gives advice to Enrique Gil


091115-Paulo_main.jpgUmalis na kaagad si Paulo Avelino sa veue ng presscon ng Resureksyon kagabi (Sept. 10) at hindi na siya nagpainterbyu pa sa press.
 
May work pa ako, eh. Actually, 8 pa dapat yon, 8:30 na ngayon,” pag-iwas ng actor sabay tingin sa kanyang relos.
 
Sabi pa ng actor, next time na lang daw namin siya interbyuhin. Nagmamadali lang daw talaga siya. “Sorry, pero kailangan ko na po talagang umalis,” pakiusap pa niya.
 
Prior to the question and answer portion sa presscon ng Resureksyon ay nakorner na ng ilang press si Paulo. Hiningi agad namin  ang kanyang reaksyon  kung totoong may kinalaman siya sa pagkalasing ni Enrique Gil na nagresulta sa “pambabastos” nito kay Jessy Mendiola habang pabalik sila ng Pilipinas mula sa ASAP show sa London.
 
I had nothing to do with that,” matipid na pahayag ng actor.
 
Hintayin na lang daw namin ang official statement ni Enrique tungkol dito .
 
Sa tanong kung anong advice naman ang maibibigay niya sa pinagdadaanan ngayon ni Enrique,  sabi ni Paulo, “Live life and learn from mistakes. Go on.”
 
Samantala, naintriga noon sina Paulo at Jasmin Curtis dahil sa mga pictures na naglabasan na magkasama silang gumigimik. May paliwanag din dito si Paulo.
 
“Unfair naman kay Jasmin. Hindi naman dapat bigyan ng ganu’ng meaning yung paglabas-labas namin,” reaksyon niya.
 
Hindi ba posibleng ma-attract siya kay Jasmine?
 
“Ay, maganda naman si Jasmin. Parang wala ka namang masasabi do’n. Pero si Belle  (Isabelle Daza na bida ng pelikula), maganda din,” pag-iwas niya sa tanong.
 
Matipid din ang naging pahayag ni Paulo tungkol sa pagbabati nila ng ex-girlfriend na si KC Concepcion na nangyari din sa London.
 
“Hindi naman kami nag-away dito.  Hindi lang kami nagkita talaga. And ‘yon nga, nagkaroon ng chance when we were in Londo and yon lang yon. Hi lang and nagkuwentuhan ng konti, that’s it,’” kuwento niya.
 
Posible bang ma-resurrect ang kanilang reslasyon?
 
“Well, right now, we’re doing a lot of things and she’s out of the country. So, siguro we’re just focusing on what we need to do,” pahayag pa ng actor.
 
Showing na sa September 23 ang Resureksyon na prinodyus ng Reality Entertainment at Regal Films under the direction of Alfonso “Borgy” Torre III.