EXCLUSIVE: Jed Madela on YFSF season 2 performers: ‘Sorang galing nilang lahat!’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/11/2015 09:05 AM
EXCLUSIVE: Jed Madela on YFSF season 2 performers: ‘Sorang galing nilang lahat!’
091115-Jed_main.jpgAll praises si Jed Madela, isa sa tatlong judges (kasama nina Sharon Cuneta at Gary Valenciano) sa Your Face Sounds Familiar (YFSF), sa celebrity performers na kasama sa season 2 ng programa which will start airing on Sept. 12.

Ibang-iba raw ang bagong batch na binubuo nina Eric Nicolas, Myrtle Sarrosa, Michael Pangilinan, Kean Cipriano, Denise Laurel, Kakai Bautista, Sam Concepcion at KZ Tandingan.

“Sobrang galing nilang lahat,” pagpuri niya sa walong performers. “Kaya kaming mga judges, sobra kaming nahirapan,” patuloy pa niya.

Ano ba ang pagkakaiba ng season 2 YFSF performers sa unang season?

“Comparatively speaking, from the first batch, yung first batch, it was… kumbaga, diverse na mix. Eto (new season), unang-una, sikat silang lahat. Tapos lahat sila, sobrang talented at saka siguro, they had the chance of… kasi napanood na nila yung season one, eh, so, nag-prepare talaga sila.

“First episode namin, sobrang saya namin. Sobrang excited kaming lahat at sobra kaming hindi na-disappoint sa lahat ng peformers nu’ng walo, kaya hirap na hirap kaming mag-rank ng mananalo.”

Idinagdag pa ni Jed na, “Sobrang galing nilang lahat. Walang waley. Pati kami nagulat. May mga revelations na di naming ini-expect na ganu’n sila kagaling,” kuwento pa ng singer.

091115-Jed_main.jpg Eh, ano ba ang ini-expect niya sa bagong season ng YFSF?

Nag-i-expect kami ng marami pang mga bashers sa social media,” natatawa niyang pahayag.

Hindi kasi, sobrang galing nila. I’m sure every contestant this season, may sari-sariling fans. So, siyempre, hindi natin pagbibigyan lahat ng eight points. May makakakuha talaga ng one point kaya sure na maraming magre-react at magrereklamo sag mga desisyon naming judges.

“But again, gusto naming ulitin na hindi porket one point siya, eh, hindi maganda yung performance niya. It just so happens na may magaling lang talaga sa kanya,” katwiran pa niya.

Babawasan na ba ng judges ang pagsu-sugar coat sa comments nila sa performers at magiging extra careful na sila?

“Actually, nu’ng nag-start na kami ng first episode, no holding back. Pag medyo waley, pag medyo hindi kami impressed sa mukha o sa boses, sinasabi namin in a nice way of course.

Siyempre, colleagues namin ito, mga kasamahan namin sa industriya. We wouldn’t want to insult them or to demoralize them.

“Hindi naman siya sugar coating, siguro, we come up with a way na medyo constructive ang pagkakasabi, na hindi naman sila mahe-hurt,” paliwanag pa ni Jed.