• Home
  • Fresh Scoops
  • Denise Laurel says that despite her health issue, she wants to perform on ‘Your Face Sounds Familiar.’

Denise Laurel on health issue that might affect her ‘Your Face Sounds Familiar' performances

Denise Laurel says that despite her health issue, she wants to perform on ‘Your Face Sounds Familiar.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/11/2015 09:07 AM
Denise Laurel on health issue that might affect her ‘Your Face Sounds Familiar' performances
091115-Denise_main.jpgNawalan pala ng tiwala si Denise Laurel sa kanyang sarili bilang singer at performer kaya naglakas loob siyang sumali sa second season ng Your Face Sounds Familiar.

“Parang pakiramdam ko, wala namang gustong makinig kaya hindi ko na siya ginamit, hindi na ako nagpe-perform, ‘di na ako sumasayaw. Tapos nag-focus ako sa acting, kasi siyempre, kung anong binibigay sa akin hindi ako tumatanggi, go lang nang go!” pahayag niya sa Push.com.ph.

Hindi na rin daw niya halos matandaan kung kailan siya huking kumanta at nag-perform.

“I think, yung last performance ko na talagang ako lang, was my 18th birthday on ASAP. Tapos nu’ng nakita ko to (YFSF), oh, my God, this is a chance na para kumanta ulit at mag-perform.

“I auditioned but then, alam mong napakadaming napakahusay na taong nag-audition. So, hindi ako natulog, naghanda talaga ako,” kuwento pa ni Denise. Inamin din ni Denise na bago pa man ang kanyang audition sa YFSF, may problema na sa kanyang lalamunan.

“Physically kasi, I have a condition right now na may bukol ako sa vocal cord ko. So, hindi ko masyadong ma-direct, kailangan ng sobrang force kung saan ko gustong pumunta yung boses ko. But aside from that, yung want ko to join ang nag-motivate sa akin to join. Gustong-gusto ko talaga,” paliwanag pa niya.

091115-Denise_main.jpgEh, paano ba nagkaroon ng bukol ang kanyang vocal cords at saan ba ito nagsimula?

Kasi tuluy-tuloy akong mag-work, tapos may iniinom (gamot) kasi ako para sa allergy ko, na pag iniinom ko parati ay sobrang nakaka-dry kaya nagkasugat yung lalamunan ko,” sagot niya.

May advice na rin daw ang doctor sa kanya, pero hindi niya ito sinunod.

“This is how you know na gusto ko talaga ang show na ito, kasi dapat hindi ako magsasalita for how many months, pumayag sila (doctor) na ginagawa ko ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, pero dapat in between Nasaan Ka tahimik lang ako.

Pero dahil hindi ko naman mapalampas ang opportunity na ito, tumatahimik na lang ako ‘pag kaya ko,” pag-amin pa niya sa tunay niyang kondisyon.

Ayoko kasing mag-steroids eh, tataba ulit ako, eh. Ang bilis non, kasi pag nag-steroid ka, one week pa lang ... Nu’ng Annaliza ang payat ko, tapos two weeks bago kami mag-taping 20 pounds agad yung nag-gain ko,” kuwento pa niya.

Tatlong linggo bago ang audition nang matuklasan ni Denise ang bukol sa kanyang vocal cords.

“Sabi ko nga, Lord, ano ba ‘to? Mixed signals ba to? Gusto Mo ba talagang i-explore yung boses ko o hindi na? Basta go na lang din, kasi in the future hindi ko na ito magagawa. Fight lang nang fight!” very determined niyang pahayag.