• Home
  • Fresh Scoops
  • The Voice season 1 kids support Elha Nympha as the new The Voice Kids champion

The Voice season 1 kids support Elha Nympha as the new The Voice Kids champion

Lyca Gairanod, Darren Espanto, JK Labajo, and Darlene Vibares say Elha Nympha deserves to be The Voice Kids Season 2 champion.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/11/2015 7:04 AM
The Voice season 1 kids support Elha Nympha as the new The Voice Kids champion


091015-voicekids_main.jpgIsang taon matapos nilang gumawa ng pangalan bilang final four ng The Voice Kids season one, magkakasama muli sina Lyca Gairanod, Darren Espanto, JK Labajo at Darlene Vibares para sa kanilang Unisilver Time endorsement. Pumirma sila sabay sabay ng kontrata noong September 8 at nagbigay pa ng tig isang song numbers na pinalakpakan ng showbiz media.

Si Lyca nagpa-sample ng single niyang “Puwede Na Mangarap”; si Darren ibinirit din ang version niya ng “I Believe” na kasama na rin sa de luxe version ng una niyang album; si JK naman ipinarinig ang kanyang hit single na “Nandito Lang Ako” at si Darlene, kinanta ang “This Girl is on Fire” na trademark song niya noon sa The Voice Kids.

Nagbigay update din ang apat sa kanilang mga career. Si Lyca busy ngayon sa pagpo-promote ng kanyang first album.

"Sunod-sunod po ang guestings ko ngayon para sa album ko po and masaya po ako kasi marami ako bago nakikilalang kaibigan at personal na nakikilala ang fans."

Si Darren naman, naghahanda na sa kanyang series of shows sa Canada.

"Bale work and vacation na rin po ito at the same time. Ngayon ko lang po ulit makakasama ang family ko doon and excited na po ako to be with them."

Si JK naman na isa sa regular cast ng Pangako Sa ‘Yo, nilinaw ang issue na may competition sa kanila ni Grae Fernandez na kasama rin sa hit teleserye.

"Wala pong ganoon sa amin ni Grae, Magkaibigan po kami and hindi namin iniisip ang conpetition sa work."

Sa kanilang apat, si Darlene na lang ang wala pang solo album pero good news na sinabi ni Darlene na malapit na siyang matapos mag-recording.

"Iyung mga songs ko po sa album kasama iyung ‘Tomorrow,’ ‘I Am But A Small Voice,’ and ‘Colors of the Wind.’"

Nagbigay din ng suporta ang apat kay Elha Nympha na champion ng The Voice Kids season two. Magaling daw si Elha kayat deserve nito na manalo at makuha ang title.