EXCLUSIVE: Eric Nicolas on being ‘less popular’ among other YFSF performers: ‘Aware ako do'n!’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/10/2015 01:24 PM
EXCLUSIVE: Eric Nicolas on being ‘less popular’ among other YFSF performers: ‘Aware ako do'n!’
091015-eric2_main.jpgHindi ini-expect ni Eric Nicolas na mapapabilang siya sa top 8 celebrity performers sa bagong season ng Your Face Sounds Familiar. Sa edad niya ngayon, hindi raw niya inakala na mabibigyan pa siya ng ganu’ng pagkakataon.

“Alam mo, sa totoo lang talaga, hindi ko na hinahangad na maging artista talaga. Ang gusto ko talaga, sa likod ng kamera tapos continuous na everyday may trabaho ako.

“Gusto ko lang kumita. Kasi para sa akin, tanggap ko na, eh. Sa edad kong ito, malabo na talaga...” pahayag ng tinagurian ding Komikero ng Masa sa YFSF.

Dating nagtatrabaho si Eric na stand-up comedian sa mga comedy bars hanggang nabigyan siya ng break sa TV.

“Nakita ako ni Willie (Revillame), kinuha niya ako sa show. Naging jester ako, tapos nung nagje-jester ako sa Wowowee, nagustuhan naman ako ng staff.”

Aware ba siya na sa walong celebrities na kasali sa YFSF ay siya ang maituturing na less popular?

Aware ako. Tinitingnan ko nga rin po yung Instagram, eh, lahat sila nandon. Ako, ni isang pangalan ko wala. Pero okey lang yon. Ini-expect ko yon, na talagang sikat sila. Kasi sila yung nauna, eh.

“Ako, likod lang ako ng kamera at okey din lang naman ako don. Kaya lang, dahil nga dito sa Your Face, nag-i-effort ako ngayon, pero hindi to shine, kundi para kahit papaano ay makasabay sa kanila,” very humble pa niyang pahayag.

Ini-expect ba niya na sisikat siya this time at mapapansin na sa showbiz dahil sa YFSF?

Honestly, hindi ko ini-expect yon, eh. Ang ini-expect ko lang talaga, eh, makasabay ako. Tapos makilala ng konti, ganu’n lang. Hahaha!” natatawa niyang pahayag.

Wala naman daw siyang nararamdamang pressure na nakasama niya sa contest ang 7 equally talented celebrities.

“Napi-pressure ako nung una pero ngayon hindi na. Kasi, masaya na silang kasama. Nu’ng una, ilang ako dahil artista sila, pero napakasarap nilang kasama, ang saya,” sey pa niya.

Samantala, para kay Eric, sina Michael Pangilinan at Sam Concepcion ang itinuturing niyang matinding kalaban sa programa. Pero hindi rin daw niya ina-underestimate ang kayang gawin ng mga babaeng performers.