• Home
  • Fresh Scoops
  • Arnell Ignacio says a former friend wanted to cause problems between him and his boyfriend.

EXCLUSIVE: Arnell Ignacio reconciles with boyfriend Ken Psalmer

Arnell Ignacio says a former friend wanted to cause problems between him and his boyfriend.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/02/2015 06:46 AM
EXCLUSIVE: Arnell Ignacio reconciles with boyfriend Ken Psalmer
090115-arnel_main.jpgNagkabalikan na ulit sina Arnell Ignacio at ang boyfriend niyang si Ken Psalmer pagkatapos mag-break nang almost one month. Isinisisi ni Arnell ang naging paghihiwalay nila ni Ken sa isang kaibigang nanghimasok sa kanilang relasyon.

“Nadiskubre namin na meron lang palang gumagawa ng kuwento na pinag-aaway kami. Pati yung mga pinapadala ko sa kanya hindi binibigay, so, akala niya, two face ako—mabait ako pagkaharap ako, tapos iba kapag nakatalikod na. Trinabaho yon nung isang demonyita na ang gusto pala, eh, kasama niya lang lagi si Ken,” simulang kuwento ni Arnell.

Nahalata ni Arnell na may gusto ang dati niyang kaibigan kay Ken kaya dumating sa punto na kinumpronta niya ito.

“Ang sinabi ko sa kanya, mahabang away ito kaya wawarningan kita through legal. Na kausapin mo pa at guluhin si Ken, eh, bahala ka. Kasi inimbestigahan ko, ang record din pala ng baklitang ito, kahit don sa dati niyang pinagtatrabahuhan, eh, meron ding ganu’n (naninira ng relasyon).

“At ang pinakamasakit don, yung mga pinapadala ko hindi niya pala binibigay kay Ken. Kasi nga, nung medyo nagkahiwalay kami, do’n tumira si Ken... Actually, matagal na rin akong hinihingan ng baklitang yon, na kung anu-anong sinasabi niyang pangit tungkol kay Ken. Eh, siyempre ako nasasaktan kapag sinasabi niyang ganu’n, kung may problema sa panggastos ako yung nagtutustos,” kuwento pa niya.

Eh, paano ba naganap ang reconciliation nila ng boyfriend?

“Pinagharap-harap kami para magkaalaman na. Eh, yon pala ang totoo. Nawinding ako, pero pinigil ko talaga kasi alam mo naman, iba na ngayon, meron nang YouTube, so, sa legal na lang.

“Napakabait ko sa baklang yan (Didong, ang third party). Kung anu-anong nireregalo ko diyan pagkatapos gagawin niya yon. Si Ken, na-shock siya kasi nagkalabasan na nga,” dagdag pahayag pa ni Arnell.


090115-arnel_main.jpgPero kahit daw nagkabalikan na sila, hindi naman daw sila nagli-live-in ng boyfriend.

“Ngayon, hindi naman kami together as a couple. Ano lang, kaibigan, tapos tingnan natin... So, para kaming... huwag lang kaming magkagalit,” paglilinaw niya.

Arnell also shared his realization sa nangyari. “Sabi ko sa kanya, tingnan mo bakit tayo nagbabalik, so, there must be something important din kung bakit tayo nagkakilala at kung saan tayo pupunta. ‘Ka ko, magtiwala ka na lang sa akin. Kasi wala namang... ni minsan, wala akong masamang intension sa taong yon.”

Ibabalik na ba ulit niya ang diamond ring na ibinigay niya kay Ken ngayong okey na sila?

“Hindi ko naman binawi. Binalik niya yon kasi nga, yung nire-represent naman non, eh, temporarily suspended. Pero hopefully, maging ano ulit,” sagot niya.

Friends na lang daw muna sila ngayon ng dating boyfriend.

“Okey na muna kami na ganito, yung friends na magkasama. Wala, eh. Siguro, didiskubrehin namin na anong meron kami, bakit kami nagkakilala, bakit nangyayari ito, bakit kami nagkakahiwalay, pero in spite of ang lalaki na ng isyu, nagkakabalikan pa rin.”

Samantala, anuman daw ang mangyari sa personal nilang buhay ni Ken ay nakahanda pa rin si Arnell na tulungan ang binata sa showbiz.

“Wini-wish ko talaga na magkaroon siya ng puwang sa showbiz, kasi puwede siya, eh. May talent kasi talaga yung tao, eh. So, ako nanghihinayang kung hindi  makikilala na mahusay siya.

“Mahal ko yung taong yon, eh. Hindi ko rin alam kung bakit naging ganu’n kalalim... it’s really undefined kung bakit ganu’n. Basta, all the best for him ang gusto kong mangyari,” sabi pa ng TV host-comedian.