• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin on gay policemen: ‘Sa tingin ko, walang masama do’n.’

Coco Martin speaks up on gays joining the police force

Coco Martin on gay policemen: ‘Sa tingin ko, walang masama do’n.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/02/2015 06:49 AM
Coco Martin speaks up on gays joining the police force
090115-coco_main.jpgLalong nagiging close si Coco Martin kay Ms. Susan Reyes lalo na ngayong magkatrabaho sila sa FPJ’s Ang Probinsiyano na malapit nang mapanood sa ABS-CBN Primetime Bida. Aminado rin ang actor na malapit na malapit din sa puso niya ang Queen of Philippine Movies.

“Nakikita ko talaga na para ko siyang lola. May panahon ako sa kanila para kumustahin sila, para makipagkuwentuhan sa kanila, alagaan sila sa set. Kasi, sabi ko nga napaka-thankful ko na nandiyan sila para sa akin, para tulungan ako at suportahan,” sabi ni Coco sa kanyang solo presscon para sa Ang Probinsyano.

Tinanong na rin ng Push.com.ph si Coco kung hiningi na ba ni Ms. Susan ang tulong niya para ikampanya si Sen. Grace Poe just in case tumakbo ito sa eleksyon sa 2016.

Ang sagot niya: “Sa akin po, hindi po sa akin pamantayan na parang... at klaro po sa ami ni Tita Susan yon. Sa totoo lang po, walang halong kasinungalingan, pero never naming pinag-usapan kung tutulungan ko ba siya o hihingi siya sa akin ng tulong. Kapag nag-uusap po kami ni Tita Susan, about sa personal na buhay, about sa trabaho namin.

“Kasi, alam kong napakataas din po ng respeto niya sa akin, eh. Na para tanungin o lapitan. Kasi, maski siya ‘pag tinanong mo, sasagutin niya lang na ‘hindi ko alam sa anak ko kung anong plano niya.’ Kasi ganun yung respeto nila sa isa’t isa.

“Kung ako po ang tatanungin, hindi ko pa rin po masasagot na... dahil po may proyekto po kaming ginagawa. Sabi ko nga po, depende po yan kung ano po yung paniniwala ko, eh. Mahaba pa po ang panahon, may ilang buwan pa po tayo para makapag-isip po,” katwiran niya.


090115-coco_main.jpgDahil pulis ang role niya sa Ang Probinsyano, natanong din si Coco kung ano ang take niya sa pagpasok ng mga bading sa kapulisan?

“Sa tingin ko po walang masama do’n,” seryosong sagot agad ng award-winning actor.

“Actually, kahanga-hanga nga po yon, eh. Dahil siyempre, unang-una, hanggang hindi niya dinudumihan yung uniporme nila, hangga’t nirerespeto nila yung trabaho nila at ginagawa yung trabaho nila, wala pong problema do’n,” dagdag pa niya.
 
Kasi, iba naman po tayo sa trabaho natin at sa personal na buhay natin. Sa akin po, wala pong masama don sa mga ganung bagay,” patuloy pa ng actor.

Bilang Drama King, uso pa rin ba sa kanya ngayon ang kompetisyon lalo na sa iba pang mahuhusay na actor ng ABS-CBN?

“Kahit nu’ng nasa indie pa ako, hindi po pumapasok sa isip ko ang kompetisyon. Basta ako, ginagawa ko kung ano yung tingin kong tama,” paliwanag niya.

Sa dami na raw ng nagawa niyang indie films at soap opera sa telebisyon, ang nasa puso niya raw ngayon ay magpasalamat.

“Paano ako makakapagpasalamat? Siyempre, dapat tumulong din ako sa mga taong nagsisimula na kagaya ko noon. Kasi, sabi ko nga, nu’ng nagsisimula ako, maraming mga taong tumulong sa akin. So, bakit hindi ko ise-share ‘yon? Kumbaga, ito yung pagkakataon na mai-share ko kung anuman yung mga blessings na nakukuha ko ngayon sa buhay ko,” deklara pa niya.

“Anong mapapala ko kung makikipag-compete ako? Bakit hindi ko na lang i-share kung ano yung talentong nalalaman ko sa kanila. Kaya ganu’n ang ginagawa ko ngayon sa mga nakababatang artista sa akin.

“Masarap kasi sa pakiramdam kapag may mga taong na-appreciate ka, kapag nakakatulong ka. Eh, ano pa bang hahangarin ko sa ngayon? Sobra-sobra na po kung anong meron ako ngayon... sobra na po para sa akin,” sambit pa ni Coco.