Willie Revillame reveals thinking about joining politics

Willie Revillame admits that someone is trying to convince him to join their political party.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/7/2015 12:57 PM
Willie Revillame reveals thinking about joining politics


080715-willierev_main.jpgHindi itinanggi ni Willie Revillame sa press launch ng programa niyang Wowowin na may kumukumbinsi sa kanyang tumakbo sa public office pero pinag-aaralan pa raw niya ang tungkol dito.

“May kumausap talaga sa akin at confidential ‘yon. Kinausap ako na kung gusto ko raw sumama sa partido nila kaya lang, ang sabi ko, pag-iisipan ko hong mabuti. Hindi ko sinabing ayoko, hindi ko rin sinabing gusto ko, kasi hindi naman biro ito.

“Kasi anong gagawin ko sa Senado? Hindi naman ako marunong sa batas. So, mag-aaral ka pa. Ang importante naman siguro, eh, yung magbigay ka ng tulong, eh. Yung magpasaya ka ng tao. Magagawa ko naman yon sa programa ko kahit hindi ako nakaupo sa anumang posisyon,” paliwanag ng TV host-singer-actor.

“Pero siyempre, pag nasa posisyon ka, mas marami kang magagawa, mas marami kang matutulugan, yon ang sa tingin ko. Kaya pinagdarasal ko rin ito. Kagaya ni Ms. Grace Poe, pinag-iisipan.

“Pinag-iisipan ko at pinag-aaralan, lalo na this time, siyempre natuto ka na sa lahat ng pinagdaanan mo kaya dapat hindi ka na magkamali,” dagdag niyang pahayag.

Aware ang marami kung gaano kayaman si Willie. Ano ba ang balak niyang gawin sa lahat ng kayamanang ito na na-acquire niya?

“Kapag kasi kumikita ako, ini-invest ko kaagad sa properties. So, naipon ko to lahat. Pag dumating yung time na dumating sa ‘yo yung pagsubok, down ka ulit, may makukuha ka ulit.

“So, eto, kahit papaano nakakaraos yung show namin, meron naman akong puwedeng ibenta para magtuluy-tuloy lang ito. Dapat alam mo ang gagawin mo, eh.”

Inamin din ni Willie na bagama’t saksakan siya ng yaman, normal lang daw na minsan ay nakakaramdam din siya ng emptiness.

“Wala namang perkpetko sa buhay, eh. Laging merong may kulang. Pero masaya naman ako dahil I’m so blessed. Mahirap yung wala na ngang nagmamahal sa ‘yo tapos wala ka pang na-invest, mas mahirap yon.”
080715-willierev_main.jpgNabanggit din ni Willie ang na-invest niya nu’ng nagtrabaho siya sa ABS-CBN at TV5.

“Yung mall (Will Tower) na yan nabili ko yan because of ABS-(CBN).Nag-invest din ako sa kinita ko sa TV5. Yung binigay nila sa akin don, nina MVP, nakabili ako ng eroplano. Yang hotel na pinapagawa ko sa Tagaytay, dahil yon sa TV5,” pagdedetalye pa niya.

Samantala, wala namang pakialam si Willie sa kanyang bashers lalo na nu’ng mabalitang matsutsugi na ang kanyang programa.

“Hindi ako apektado sa ganu’n, eh. Yung cellphone ko, walang Instagram, walang internet... Hindi ako nagbabasa, eh. Ayoko kasi ng negative sa buhay. Pag may nakita akong nakasimangot sa bahay, naapektuhan ako.”

Humingi naman ng paumanhin si Willie sa entertainment press kung may mga pagkakataong napapanood siya na nagagalit sa TV. May mga panahon lang daw na meron siyang pinagdadaanan at naiinis sa pagiging unprofessional ng staff niya kaya umiinit ang ulo niya.

Nang kumustahin naman naming ang tungkol sa love life niya ay pabiro niyang sinabi na, “Very peaceful na ang love life ko kasi hindi na siya angry bird, peaceful bird na siya,” patawa niyang pahayag.

“Wala pa ngayon, relax muna,” sabi pa ni Willie.