• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘MLQ Ang Buhay ni Manuel L Quezon’ musical will mark former president’s 137th birth anniversary.

Indie Actor Arnold Reyes leads MLQ Ang Buhay ni Manuel L Quezon stage musical cast

‘MLQ Ang Buhay ni Manuel L Quezon’ musical will mark former president’s 137th birth anniversary.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/07/2015 12:54 PM
Indie Actor Arnold Reyes leads MLQ Ang Buhay ni Manuel L Quezon stage musical cast
080715-arnoldreyes_main.jpgAng award winning indie film actor na si Arnold Reyes ang gaganap sa title role para sa original stage musical na MLQ Ang Buhay Ni Manuel L Quezon na isa sa mga paghahanda para sa ika 137th na kaarawan ng dating Pangulo ng Pilipinas sa August 19.

Para kay Arnold, isa ito sa pinaka-malaking challenge sa kanyang career.

"Isang malaking karangalan po para sa akin na ako ang gaganap bilang dati nating Presidente na si Manuel L Quezon. Dito po makikita ang human side niya na marami pa ang hindi nakaka-alam at marami mapupulot ang mga kabataan natin ngayon sa buhay niya kaya dapat panoorin nila."

Kundiman ang musika na gagamitin sa kabuuan ng musical na sinulat ni George de Jesus III na swak sa panahon ng former president. Ayon kay Arnold, inadjust din nila ang mga eksena para maka relate ang audience.

"May present time dito na mga student na pinag-aaralan nila ang buhay ni Quezon at kung ano ang kanyang mga nagawa para sa bayan. Nakaka-inspire ang buhay niya kasi ipapakita na nagkakamali rin siya at may mga desisyon sa buhay na malaki ang natutunan niya."

Kasama rin sa cast sina Joel Molina, Joshua Deocareza at Analyn Bantug. Magaganap ang opening night ng MLQ stage musical sa August 19 sa Kia Theater sa Araneta Center Cubao.