• Home
  • Fresh Scoops
  • Karen Reyes reveals that her ex Ryan Boyce had to go through a lot of personal issues.

EXCLUSIVE: Karen Reyes admits she still loves ex-boyfriend Ryan Boyce

Karen Reyes reveals that her ex Ryan Boyce had to go through a lot of personal issues.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/07/2015 12:54 PM
EXCLUSIVE: Karen Reyes admits she still loves ex-boyfriend Ryan Boyce
080715-karenreyes_main.jpgMay ginagawang effort si Karen Reyes, former PBB Teen housemate at ngayon ay member ng Star Magic Angels para kahit papaano ay maiba siya sa walong kasamahan niya sa grupo na sosyal at Inglisera. At dahil sa pagiging kikay niya, hindi sinasadyang makanakaw siya ng eksena during the press launch of the group.

“Ayoko talagang mag-English, kasi hindi naman talaga ako Inglisera, anong mangyayari sa akin kung gagayahin ko sila, eh, lahat sila ganyan na, so, nagpaka-ako na lang ako nu’ng presscon.

“Pero nu’ng simula po talaga, nai-insecure ako sa mga nakakasama ko lalo na nu’ng hindi pa ako ulit nakakapag-aral ng English. Actually, best in English po ako nung high school kaya lang, pag hindi ka pala nakakahawak ng libro, nakakapag-aral, pumupurol ka, nawawala yung mga napag-aralan mo kaya ganun ang nangyari sa akin,” simulang kuwento sa Push.com.ph ni Karen.

Hindi rin malilimutan ni Karen na minsan habang nagwu-workshop siya ay nagkamali siya ng grammar sa kaka-English.

“Pinagtawanan nila akong lahat. Parang trying hard yung dating ko. Do’n ko na-realize na hindi ako nagdyo-joke, bakit niyo ako pinagtatawanan? So na-offend ako para sa sarili ko, pero hindi nila alam ‘yon. Do’n nag-start yon na nag-aral akong mabuti talaga,” dagdag pa ni Karen.

Ayon kay Karen, hindi niya sinasadyang makanakaw siya ng eksena during the presscon of Star Magic Angels.

“Ganun po talaga ako, may kadaldalan, pero hindi ko yon sinasadya,” paliwanag agad ng dalaga.

“Hindi po ako nagpapabida or something. Eto kasi ako. Natatakot nga rin ako na baka ma-intimidate yung iba, na baka mali yung maging impresyon nila sa akin, kaya minsan iniingatan ko rin yung mga reaksyon ko.

“Kasi po, may problema talaga ako. Never ko pong nakokontrol yung emosyon ko pag sobrang overwhelmed ako, parang ‘hay!’ Tumataas po ang energy ko nang hindi ko namamalayan. Minsan talaga, pinipilit ko siyang kontrolin. Depende po, depende po talaga sa mga nangyayari,” katwiran niya.
080715-karenreyes_main.jpgInamin din ni Karen na hindi muna uso sa kanya ang lovelife ngayon.

“Kasi, ganito po yon, after Ryan Boyce (ka-batch din niya noon sa PBB), isang taon din po kami noon, eh. Tapos naghiwalay kami nang hindi maganda. May mga bagay kaming hindi napagkasunduan saka yung mga matatanda sa amin, sabi nila, ‘Itigil n’yo na muna yan,’ so kami, siguro si Ryan na-pressure siya so...

“May nangyari po kasi sa kanya non na parang kailangan muna namin ng time na mahiwalay sa isa’t isa. Eh, ako naman, parang sabi ko kay God, ‘Ibalik Mo siya sa akin’ tapos pagbalik niya, parang... pero hindi naman nawala yung love, actually, mahal ko pa rin naman siya hanggang ngayon,” pag-amin ni Karen tungkol relasyon nila ni Ryan.

“Kaya ngayon po, wala munang love life. Focus-focus muna dito (career) para hindi naman nganga. Dati po kasi, two years talaga akong nganga,” pangako ni Karen sa kanyang sarili.