PBB housemate James Linao wants justice for murdered father

PBB housemate James Linao says his father was shot dead.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/6/2015 1:24 PM
PBB housemate James Linao wants justice for murdered father


080615-jameslinao_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, sinabi ni Worldwide Worker ng Surigao Del Sur James Linao na kaya siya sumali sa Pinoy Big Brother 737 ay para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng tatay niya. Nagtatrabaho na si James sa ibang bansa noong 2009 nang pinaslang ang tatay niya. “Binaril ho ang tatay ko.”

Kuwento ni James, tulala siya noong pumasok sa opisina dahil paggising niya ay panay messages of condolences na ang ang bumulaga sa kanya.

Ayon kay james, 2007 niya huling nakita ang tatay niya nang ihatid siya nito sa airport. Naramdaman ni James noon na ayaw siyang “pakawalan” ng tatay niya dahil “I was too young.” 

16 years old lang si James nang umalis siya ng bansa para magtrabaho. Nasa field of constuction si James. Marami na siyang napuntahang bansa dahil na-aassign siya sa iba’t ibang projects sa iba’t-ibang bansa.