• Home
  • Fresh Scoops
  • Myrtle Sarrosa on breakup with ex-boyfriend Brian Llamanzares: ‘Grabe yun iyak ko’

Myrtle Sarrosa on breakup with ex-boyfriend Brian Llamanzares: ‘Grabe yun iyak ko’

Myrtle recalls how she and Brian met and how they parted ways.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

8/7/2015 2:19 AM
Myrtle Sarrosa on breakup with ex-boyfriend Brian Llamanzares: ‘Grabe yun iyak ko’


080615-myrtle_mainphoto.jpgSa ulat ni MJ Felipe sa Bandila, inilahad ni Myrtle Sarrosa kung paano sila nagkakilala at nagkahiwalay ng kanyang ex-boyfriend na si Brian Llamanzares na anak ng senador na si Grace Poe.

Matapos tanghaling Big Winner sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4, sunud-sunod ang naging proyekto nito sa showbiz at isa na rin siya sa mga Star Magic Angels pero paliwanag ni Myrtle nakilala nito si Brian bago siya mag pa-sexy image.

Sa cafeteria ng ABS-CBN nagkakilala ang dalawa nang malaglag ang food tray na hawak ni Myrtle, si Brian lamang ang tanging tumulong sa kanya at doon nagsimulang umusbong ang kanilang pag-iibigan.

Isang taon ang itinagal ng kanilang relasyon matapos maisipan ni Brian na makipaghiwalay kay Myrtle.

We were just supposed to watch a movie ‘tas out of nowhere we broke up. Grabe kasi first boyfriend ko talaga siya, so grabe ‘yung iyak ko,” sabi niya.

Naging emosyonal si Myrtle nang kanyang inaalala kung kalian sila naghiwalay.

It was like a few days before his birthday, nag prepare na’ko sa birthday niya,” naiyak na sagot niya.

Kinalaunan naging mutual na rin daw ang kanilang desisyon na maghiwalay.

I was starting to get really busy tapos siya din he took a new path on his career. Wala na kaming time sa isa’t-isa,” sabi niya.

Nilinaw ni Myrtle na hindi naging dahilan ng kanilang hiwalayan ang kanyang pag papa-sexy, si Brian pa raw ang humikayat sa kanya na mag cover sa isang men’s magazine. Naging supportive rin daw ang ina ni Brian na si Sen. Grace Poe sa kanilang relasyon.

 “She really showed kindness to me kaya I’m still thankful na Brian became a part of my life. We’re friends but we’d rather not talk. Ayoko na din e, parang I want to flip to a new page na, to the next page of my life,” sabi ni Myrtle.

Sinabi naman ni Sen. Poe sa isang interview tungkol sa relasyon ni Brian kay Myrtle, ayaw daw niyang makialam sa love life ng kanyang anak.

Alam mo pareho silang mabait na bata and I’m also very proud of Myrtle because she has a lot of achievements in her career. Pero ayokong pakialaman ang love life ng mga bata, sa kanila nalang ‘yun,”