• Home
  • Fresh Scoops
  • Maria Sofia Love says she didn’t expect her instant celebrity status

Maria Sofia Love says she didn’t expect her instant celebrity status

Maria Sofia Love admits she is still undecided about accepting local showbiz offers

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/6/2015 1:25 PM
Maria Sofia Love says she didn’t expect her instant celebrity status


080615-mariasofialove_main.jpgMas naging makulay at gay ang katatapos lang na Keri Beks Gay Congress sa pagbisita ng social media sensation na si Maria Sofia Love. Nakilala at gumawa ng ingay si Maria Sofia sa kanyang pagrampa sa iba’t-ibang lugar sa London at ang kakaiba niyang paraan ng pakikipag-usap sa kanyang video posts.

Pati ilang mga celebrities ay nakiki-“Pak!” na rin sa kanilang mga posts na pinauso ni Maria Sofia na aminado na surprised siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga kababayang pinoys.

"Hello everyone nandito na ako sa Pilipinas! Thank you so much I am very humbled hindi pa siya nagsi-sink in sa akin."

Sa mga personalidad na nagbigay ng comments kay Maria Sofia, nagpaabot siya ng personal na pasasalamat lalo na kay Kris Aquino.

"Maraming salamat Kris! Sana po maka-vote tayo ng matinong president kagaya ni PNoy!"

Kung mayroon siyang pinasalamatan, mayroon din siyang gustong personal na makita dahil hinahangaan niya ito ng matindi. Sa kaso ni Maria Sofia, si Gerald Anderson ang kanyang big crush. Ayaw niya na lang sabihin kung bakit.

"Wala lang! Nakikialam ka pa! Nasaan na siya?"

Prangka sa kanyang pagsagot si Maria Sofia at aminado siya na may inspirasyon ngayon pero ‘wag na daw itanong pa ang detalye dahil kahit instant celebrity na siya, nais niyang maging private ang bahaging ito ng kanyang buhay.

"Love life is Good! May kulay! May tumutusok! (Laughs). Siya pa rin naman until now we want to keep it very, very private! (Laughs)"

Marami ng showbiz offers si Maria Sofia sa ating bansa pero ‘di pa daw siya nakaka-decide kung tatanggapin niya ang mga ito.