FRIDAY 5: Mga Pinakamatinding Harapan Nina Carlos at Gael

BY
EJ Salut

FRESH SCOOPS

08/07/2015 01:59 AM
FRIDAY 5: Mga Pinakamatinding Harapan Nina Carlos at Gael
080615-bridgesfridayfive.jpg


Isang kuwento ng magkapatid na sina Gael at Carlos ang teleseryeng "Bridges of Love." Minsan na silang pinaghiwalay ng trahedya ngunit nakabalik sila sa piling ng isa't isa dahil sa isang babae. Sa kanilang pagtanda, naging magkaaway ang magkapatid na dating magkakampi.

Sa pagtatapos ngayong linggo, balikan natin ang limang pinakamaantig na paghaharap ng dalawa:

1) Boxing Match



Tinalo ni Carlos si Gael sa loob ng boxing ring. Sa laban ng kamao sa kamao, naging mabisa ang paraan ng nakababatang kapatid, "Nasa pagtatantiya, sa pagbasa ng kalaban."


2) Fight For Love



Paulit-ulit na sinabi ni Gael kay Carlos na gusto niyang bawiin si Mia ngunit di niya ginagawa dahil sa respeto. Nagkainitan ang dalawa at nauwi sa suntukan.


3) Confrontation



Muling sinusuyo ni Carlos si Mia upang magkabalikan na sila. Dahil sa pagmamahal ni Gael sa dating kasintahan, pinigilan niyang bumalik si Mia kay Carlos at madamay sa magulo nilang pamilya. Sa gitna ng harapan, bumalik ang parehas ng eksena sa kamusmusan ng dalawang kapatid.


4) Admit



Isang malungkot na alaala ang naging pruweba ni Carlos upang sabihing siya nga ang kapatid ni Gael. Madalas na pinarurusahan ng kanilang tatay ang dalawa noong sila'y bata pa. Sa tuwing itinatali sila, tinuturuan ni Gael si Carlos kung paano makalag ang lubid.


5) Brothers brawl




Hindi matanggap ni Gael na si Carlos, ang tinatawag niyang hayop at mamatay-tao, ay ang nawawala niyang nakababatang kapatid. Ibinalik ni Carlo ang paratang sa kanyang kuya na minsan na siyang ipinagpalit sa pera dahil sa kanilang kahirapan.