Keri Beks show united gay power

The star-studded first gay congress happened at the Araneta Coliseum last Aug 4.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/5/2015 8:04 PM
Keri Beks show united gay power


080515-beki3_main.jpgStar studded at well attended ng Gay and Lesbian groups mula sa iba't ibang bahagi ng bansa ang Keri Beks: The First Gay Congress na naganap sa Smart Araneta Coliseum. Nakadagdag ng ningning at sigla ang pagbibigay oras ng ilang personalities at gay icons na nag perform at nag share ng kanilang pinagdaanan bago narating ang tagumpay. 

Magkakasamang rumampa at nag-serenade ang Concert King na si Martin Nievera sa gay beauty queens na mula sa iba ibang lugar na rumampa sa malaking stage ng Big Dome.

Buwis buhay na medley ng OPM love songs naman ang ibinigay nina Dulce, Leah Patricio, Anton Diva at Donita Nose.

Kahit na nagluluksa sa pamamaalam ng isa sa kanilang members, hataw pa rin ang Masculados na kinanta ang kanilang medley of hits at sinabayan ng audience.

May VTR segment si John Lapus na nagbibigay advise sa mga gays tungkol sa iba ibang aspeto ng buhay at guidance na rin sa ika-uunlad ng kanilang sitwasyon.

Highlight ng event ang mini concert ni Vice Ganda na huling musical number; naka tangga naman si Anne Curtis sa kanyang Beyonce medley at napa-throwback ang lahat ng muling kinanta at sinayaw ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang "I am What I am" at "I Will Survive."

Sina Arnel Ignacio, Rufa Mae Quinto at Chokoleit ang naging hosts ng masayang event.

Si Ms. Korina Sanchez-Roxas ang nagbuo ng project na matagal na niyang plano dahil na rin sa marami siyang malalapit na kaibigan na Gays at alam niya ang hirap na pinagdadaanan ng mga ito sa kanilang personal na buhay.

080515-beki1_photo.jpg

080515-beki2_photo.jpg


080515-beki3_photo.jpg

080515-beki4_photo.jpg

080515-beki5_photo.jpg


080515-beki6_photo.jpg

080515-beki7_photo.jpg