• Home
  • Fresh Scoops
  • Vina Morales says ‘no’ to showbiz for daughter Ceana for now

Vina Morales says ‘no’ to showbiz for daughter Ceana for now

Vina Morales doesn’t want daughter Ceana to experience the exhausting life of a child star.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/4/2015 1:29 PM
Vina Morales says ‘no’ to showbiz for daughter Ceana for now


080415-vinamorales_main.jpgSinubukan naming kunan ng reaksyon si Vina Morales tungkol sa pagkakaaresto ng ex-boyfriend niyang si Cedric Lee kamakailan dahil sa kaso ng graft and corruption pero ayaw niyang magsalita. Nakiusap siyang huwag na lang tungkol don ang pag-usapan.

“Masaya ako na extended ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, do’n na lang tayo,” pag-iwas pa niya.

Nang tanungin namin si Vina kung papayagan niyang mag-artista o maging singer ang anak na si Ceana Lee, medyo napaisip siya.

“For now, hindi ko pa alam kasi six years old pa lang naman. Pero alam kong mahilig siya sa music, pero mahiyain yung anak ko, eh… mahiyain siya, eh!” kuwento pa niya.

As much as possible, ayaw daw niyang danasin ni Ceana ang pinagdaanan niya noong bata pa siya sa showbiz.

“Bata pa lang ako kumakanta na ako, buong buhay ko kumakanta na ako kaya alam ko kung nasa tono ang anak ko. Maganda ang boses ni Ceana. She has a powerful voice,” pagmamalaki pa niya.

“Pero ‘di ko siya masyadong pinu-push, kasi ako, nag-umpisa ako bata pa. Bata pa lang kumakanta na ako, nagtrabaho na ako. Medyo nakakapagod.

“But you know, I’m always thankful and blessed na at least as early as eight years old alam ko na kung ano yung gusto kong patunguhan sa buhay ko, maging singer, maging artista,” paliwanag ng singer-actress.

Natatakot ba siyang intrigahin ang anak niya?

“Hindi yung intriga, eh. Siyempre, ‘di naman maiiwasan ‘yon. Pero at her age, hindi ko kakayaning mapupuyat yung anak ko,” naiiling niyang pahayag.

“Kasi alam kong hirap na hirap ako noon. As in pag sinabing ‘kanta,’ tatayo na lang ako noon, kakanta ako. ‘Umarte ka!’ Ako naman, hala sige, iyak, tawa. So at the age of nine, ginagawa ko na ‘yon—kanta, tawa, iyak. Nakakapagod yon para sa anak ko,” katwiran pa niya.

Pero hindi naman daw niya pipigilan ang anak kung saka-sakaling gusto rin nga nitong pasukin ang showbiz. Kaya lang, kung siya ang masusunod, mas gugustuhin daw niyang magtapos muna ng pag-aaral ang anak.