Richard Juan is 100 percent ‘pusong pinoy’

Richard Juan wants to know himself better inside Kuya’s house

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/4/2015 10:35 AM
Richard Juan is 100 percent ‘pusong pinoy’


080415-richardjuan_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, pinagmalaki ni Richard Ching Juan na kahit mahigit apat na taon pa lang siya sa bansa ay isa siyang pusong pinoy. “I’m more Filipino than most of my friends.” Filipino citizen si Richard pero 100 percent Chinese siya by blood.

Sa Hong Kong nag-aral ng elementary at high school si Richard pero sa Pilipinas siya nag-college, kung saan cum laude siya grumaduweyt sa kursong Broadcast Communication sa University of the Philippines.

Hindi makapaniwala si Richard sa layo ng narating niya sa loob ng dalawang taon.

“I feel like the stars aligned for me, that this is something I’m meant to do.” 

Nag-audition si Richard para sa Pinoy Big Brother 737 sa udyok ng mga kaibigan niya. Noong una raw hindi siya sigurado kung mag-audition siya. Dating mahiyain si Richard, pero determinado siya na alisin ang hiya niya simula pa noong nag-aral siya sa Pilipinas. 

Gusto pa raw niyang mas makilala kung sino siya sa pagpasok niya sa bahay ni Kuya. 

Inamin ni Richard na nagagandahan siya kay Bea Alonzo at Julia Barretto.