• Home
  • Fresh Scoops
  • JaDine reveal their best bonding moments while shooting ‘On The Wings Of Love’ abroad

JaDine reveal their best bonding moments while shooting ‘On The Wings Of Love’ abroad

James Reid says there’s no secret to his chemistry with Nadine Lustre.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/4/2015 8:04 PM
JaDine reveal their best bonding moments while shooting ‘On The Wings Of Love’ abroad


080415-jadine_main.jpgNagkaroon ng chance ang Push.com.ph ng solo interview sa tandem nina James Reid at Nadine Lustre na mas kilala sa tawag na JaDine. Dito marami silang naibahagi na personal at ‘di nila makakalimutang tagpo habang ginagawa nila ang teleseryeng On The Wings of Love na mapapanood na sa Kapamilya Primetime Bida simula sa August 10.

Una ng naikuwento ni James at Nadine ang kanilang naging travel experience sa Amerika para sa taping ng ilang mahahalagang eksena.

Kuwento ni Nadine, ang pagre-relax in between takes ang kanyang na-enjoy kasama si James.

"Listening to music ang naging bonding namin ni James doon. Ang dami namin napakinggan na songs and ‘di ko rin makakalimutan yung nag-drive kami na naka-top down papunta sa Napa Valley. Eksena yun para sa teleserye pero nag-enjoy kami pareho kasi kami lang dalawa sa eksena."

Si James naman, ang trip papuntang Napa Valley ang kanyang na enjoy.

"Yung pagdaan namin sa Napa Valley is really something to remember. Ang ganda ng place and ‘di mo talaga makakalimutan ang mga scenes namin na nai-shoot doon."

Kahit na mayroon na silang tatlong box office hits na mga pelikula at isang hit na series sa ilalim ng Wansapanataym, kabado pa rin ang JaDine tandem dahil ang On The Wings of Love ang pinaka-malaki nilang project so far. Kaya naman non-stop ang pasasalamat ni Nadine sa kanilang followers lalo na sa social media na ‘di tumitigil sa kampanya para mai-promote ang kanilang show.

"Nakakaloka sila kasi talagang hindi sila nagpapahinga para magbigay suporta sa amin ni James. Napapag-trend nila ang mga projects namin kaya nagkakaroon ng awareness ang mga tao."

Aminado ang dalawa na magkaibigan lang ang kanilang status sa ngayon. Pero ano nga ba ang sikreto ng kanilang samahan na napapakilig ang audience sa kanilang mga eksena? Napangiti si James bago sumagot.

"There's no secret, it's just there. This tandem started out as an experiment and we are happy and thankful that it worked."