• Home
  • Fresh Scoops
  • On a scale of one to 10, Dennis Trillo says his happiness is a ‘10’ nowadays.

Dennis Trillo wants a quiet relationship with Jennylyn Mercado

On a scale of one to 10, Dennis Trillo says his happiness is a ‘10’ nowadays.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/04/2015 08:03 PM
Dennis Trillo wants a quiet relationship with Jennylyn Mercado
080415-dennis_main.jpgHindi direktang inamin ni Dennis Trillo sa Push.com.ph ang totoong status ng relasyon nila ngayon ni Jennylyn Mercado. Basta ayon sa actor, masaya siya sa takbo ng kanilang relasyon ng ex-girlfriend. Na-miss din daw niyang katrabaho ang dalaga kaya nagpapasalamat siya na muli niya itong nakasama sa bagong series ng Kapuso network.

“Maganda naman yung mga naging project namin dati. Ngayon, in demand siya, nag-grow na siya as an actress, naging best actress na siya tapos... marami ng nangyari kaya natutuwa ako na nakatrabaho ko siya ulit and maganda ulit yung samahan namin,” kuwento ni Dennis sa Push nang makausap namin siya sa presscon ng My Faithful Husband.

Nang tanungin namin si Dennis kung nasaan na nga ba ang level ng relasyon nila ngayon ni Jennylyn, ang sagot niya ay, “Maganda yung samahan namin, yung working relationship okey din. Pero merong mga ibang bagay na alam mo yon... di na kailangang sabihin. Kung ano yung nakikita ng mga tao, di mo na kailangang sabihin pa na ganito yon.

“Parang what you see is what you get siguro. At saka, hindi naman ako yung tao na nagpo-focus lang sa love life, pero masaya lang ako sa mga nangyayari and maayos kami at walang problema,” sey pa ng actor.

Pinag-usapan ba nila ni Jennylyn na huwag munang aminin ang relasyon kung meron nga?

“Hindi naman!” reaksyon agad niya. “Mas masaya lang siguro kami na tahimik, na hindi na pinagpipiyestahan kung anuman yung mga nangyayari sa amin at sa mga buhay-buhay namin.

“Kasi, medyo matatanda na rin kami, eh. Siguro yung mga ganyang usapin, para lang yan sa mga nagsisimula, na gustong pag-usapan yung love life nila at maging controversial. Tapos na kami do’n, so, mas gusto namin siguro na peaceful, walang kontrobersya o anuman,” katwiran ni Dennis.

Napansin din ni Dennis ang malaking pagbabago ngayon sa outlook sa buhay ni Jennylyn na ikinatuwa niya.
080415-dennis_main.jpg“Mas positive yung Jennylyn na nakikita ko ngayon. Mas kalmado siya at saka mas masayahin. Nakakatuwa at nakakahawa yung ganu’ng energy na binibigay niya sa mga katrabaho niya kaya masaya,” pagde-describe niya sa aktres.

Eh, gaano ba kasaya ang puso niya on scale 1 to 10?

“10 ciguro!” pagmamalaki niya. “Dahil marami kasing magandang nangyayari bukod don sa relasyon namin, sa takbo ng career ko, sa nangyayari sa buhay ko, sa pamilya ko, sa love life, lahat-lahat na. Kumbaga, masaya talaga at wala na akong mahihiling pa.”

Inamin ni Dennis sa PUSH na maituturing niyang “love is lovelier the second time around.”

“Oo, masasabi ko ‘yon. Ganun talaga, eh. Nangyayari talaga yon, eh. Love is lovelier the second time around,” pag-ulit pa ni Dennis sa sinabi namin.

Nasa marrying age na ba siya ngayon?

“Ay, hindi pa po!” giit agad niya. “Matanda na rin po ako pero ayoko pong madaliin. Although, alam ko po na maraming taong nagpi-pressure pagdating ng ganitong edad, pero para sa akin, wala akong finish line na hinahabol. Hindi ako naka-time trials so relax lang ako, kung kailan maramdaman, kailan kailangang gawin, do’n ko gagawin.

“Pero sa ngayon, mas focus ako sa marami pang bagay. Sa pag-aalaga ko sa pamilya ko at sa mga kaibigan,” pagtatapos ni Dennis.