• Home
  • Fresh Scoops
  • Bangs Garcia says she’s enjoying doing an action movie now.

Bangs Garcia wants to take a break from dramatic roles

Bangs Garcia says she’s enjoying doing an action movie now.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/04/2015 01:29 PM
Bangs Garcia wants to take a break from dramatic roles
080415-bangs_main.jpgShort hair at sporty ang itsura ngayon ni Bangs Garcia. May kinalaman daw ito sa role na kanyang ginampanan bilang pulis sa pelikulang Manila’s Finest kung saan kasama niya ang nagbabalik na action star na si Jeric Raval.

Aminado si Bangs na nag-enjoy siya sa paggawa ng pelikula lalo na sa action scenes.

"Ang sarap ng mga eksenang ma-aksyon yung may hawak ka na weapon tapos tatakbo yung ganun, na injury pa nga ako sa isang scene namin dito itong right arm ko napilayan pero okay na ako ngayon."

Dahil sa bagong genre na natuklasan, mas gusto daw muna mag-focus ni Bangs sa ganitong mga roles at pahinga muna siya sa sexy at heavy drama.

"The last serye na ginawa ko na heavy talaga for me yung Kung Ako’y Iiwan Mo with Jake Cuenca and Shaina Magdayao originally six months lang yun pero maganda ang pagtanggap ng viewers kaya tumagal kami halos one year ata talagang yung role ko nadadala ko sa personal na buhay ang hirap pala ng ganun."

Tinatapos din ngayon ni Bangs ang isang indie film na kakaiba na naman ang kanyang role. Bukod dyan, pinaghahandaan nya ang isang painting exhibit kung saan nailalabas nya naman ang kanyang talento bilang visual artist.