• Home
  • Fresh Scoops
  • Liza Soberano on fans bashing each other: ‘Why can’t they be happy for the success of others?’

Liza Soberano on fans bashing each other: ‘Why can’t they be happy for the success of others?’

The teen star says she talked to some of her fans in person regarding online bashing.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/1/2015 7:25 AM
Liza Soberano on fans bashing each other: ‘Why can’t they be happy for the success of others?’


083115-liza_main.jpgMay bago na namang endorsement si Liza Soberano. Siya ang first celebrity ambassadress ng NDG  na kilala sa larangan ng beauty and wellness. Partikular na ipino-promote ni Liza ang Nails.Glow kaya during the press launch, ipinakita niya ang magagandang kuko.

Sa interbyu ng Push.com.ph kay Liza, naitanong naming kung ano ang nangyari sa kanyang Twitter account at kung totoo nga bang dineactivate niya ito. Agad naman niyang sinagot ang tungkol dito.

“Well, kasi ako, you know naman na I’ve experienced bashing and everything so ako naman, I know how it feels, at yung ibang tao ayoko ring nae-experience nila how low it can make you feel so as much as possible I want to promote peace. Tapos, one time I saw on my fan side, siguro hindi rin nila maiwasang ma-overwhelm or masaktan kasi ako ang bina-bash, so pumapatol sila.

“And for me, gusto kong iparating sa kanila na... I tweeted kasi before I deactivated, I just want to let them know na sa akin hindi okay na namba-bash kayo ng ibang tao. Kung ako ang bina-bash hayaan n’yo lang coz I can take it, I’m used to it na,” paliwanag agad ng dalaga.

Ayon pa kay Liza, ayaw niyang makasakit ng ibang tao kaya ayaw niya na munang mag-Twitter.

“There are other people being bashed and ayokong manggagaling yon sa fan group ko because for me ayoko yung mga tao na matatakot... na ‘ay ang LizQuen nakakatakot yung mga fans nila, namba-bash.’ Ayokong maging ganun sila.”

Kinausap na ba niya ang kanyang fans about the bashing issue?

“Sinabihan ko sila, siguro yung ilan na-hurt sila dahil akala nila kinakampihan ko yung ibang fan groups, pero yung tweet ko naman is in general na sana yung mga tao matuto na silang magkaroon ng peace in between the fan group kasi it’s been going on for so long na rin, eh.

“Kasi for me, hindi ba sila nagsasawa? Like in real life, lahat kaming teen stars, lahat kaming mga artista, wala naman pong away. So, bakit kailangang yung fans nag-aaway? Why can’t they just be happy for the success of others?

"So, pinagsabihan ko sila and some got hurt and some unfollowed me (fans). So ako, na-hurt ako. I felt like I was trying to send out a message kasi ako as a celebrity I want to influence them sana to do the right thing,” katwiran pa niya. (continued on next page)


083115-liza_main.jpgInamin ni Liza na na-hurt siya sa mga nangyari at nakaramdam ng stress.

“Na-hurt ako kasi when you do the right thing and parang mali pa rin so gusto ko munang magpahinga  from Twitter para hindi ko na muna nakikita. Na-stress din ako,” sey pa niya.

Kinausap na rin daw ni Liza ang ibang supporters para maging maayos na ang lahat.

“Kinausap ko po yung ibang supporters ko in person para sabihin na I’m sorry kung na-hurt sila but para sa akin, it’s not a reason for... na dahil bina-bash ako, it’s not a reason for them to bash other people,” she said.

Almost a week and a half ding hindi active sa Twitter si Liza, pero hindi raw naman niya iku-close permanently ang kanyang account.

 “Twitter is also a good way pa rin of influencing people to do the right things kaya I’m not going to stop. I like to update din kasi my fans, I like to make them feel more connected to me so from time to time I tweet my fans.

“Dati,  hindi talaga ako affected.  But then, I got hurt kasi some people, so fans kasi I get attached to them, I get close to them. And those are the ones that lost pa, so ako, ‘I thought you love me’ so...” pagtatapos ni Liza.