• Home
  • Fresh Scoops
  • John Arcilla hopes movie-goers will appreciate historical film "Heneral Luna"

John Arcilla hopes movie-goers will appreciate historical film "Heneral Luna"

With rom-coms being today's blockbuster hits, John Arcilla hopes people will also watch "Heneral Luna." on lang

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/30/2015 9:03 AM
John Arcilla hopes movie-goers will appreciate historical film


083015-john_ain.jpgSeventeen years ago pa naisulat ang original screenplay para sa pelikulang Heneral Luna pero ngay
ito mabuo bilang isang full length na pelikula. Isinulat ito noon ni E A Rocha at ng namayaoang screen writer na si Henry Hunt. Nakita ni director Jerrold Tarog ang materyal at in adjust ang pagkakasulat para ma appreciate ng present generation ng movie goers.

Sa media conference ng pelikula, masayang binati ni John Arcilla ang lahat. Ito ang pinaka malaking break na nakuha ni John bilang aktor sa pelikula. Pero ayaw tingnan ni John sa ganitong aspeto.

"Para kasi sa akin walang maliit at malaking papel nasa artista iyon kung paano niya palalakihin ang kanyang papel na magmamarka sa mga tao na manonood."

Hinikayat ni John ang mivie goers na bigyan ng pagkakataon ang kanilang pelikula na sana ay panoorin.

"Alam naman natin na sa romantic comedy nakatuon ang pansin ngayon ng mga kababayan natin pero ok lang sa atin yan at walang masama pero sana panoorin nila ang aking pelikula na nagpapahalaga sa kasaysayan natin at pagmamahal sa bayan."

Kasama rin sa pelikula sina Mon Confiado as Emilio Aguinaldo; Epy Quizon as Apolinario Mabini; Leo Martinez as Pedro Paterno; Nonie Buencamino as Felipe Buencamino; Mylene Dizon as Isabel at Ketchup Eusebio as Captain Pedro Janolino.

Produced ng Artikulo Uno Productions, ipapalabas ang "Heneral Luna" sa September 9