Ina Raymundo denies having not time for her family because of her career

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/30/2015 09:14 AM
Ina Raymundo denies having not time for her family because of her career
083015-ina_ain.jpgKahit special role lang ang ginagampanan ng sexy actress na si Ina Raymundo sa bagong series ng ABS-CBN na All Of Me starring JM de Guzman, Yen Santos, Arron Villaflor at Albert Martinez  ay dumalo pa rin siya sa special screening ng teleserye na ginanap sa SM Megamall Cinema 7.

Sabi ni Ina, masuwerte siya na nabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa ABS-CBN at GMA-7. Bukod kasi sa All of Me, part din siya ng isang series sa Kapuso Network.

“Yung mga artista kasing katulad ko, hindi na yan pinag-aagawan na maging exclusive kaya nakaka-crossover ako. Kasi di ba, talagang ang ini-exclusive  eh, yung mga bata. And sa status ko, hindi na talaga. But I enjoy it, na nakaka-ober da bakod ako,” simulang pahayag ni Ina sa Push.com.ph.

Natutuwa ring ikinuwento ni Ina na sa All of Me, wala siyang anak kahit na sa totoong buhay ay 5 na ang anak. Lutang din ang kagandahan niya na parang dalaga pa.

“Kasi period yung teleserye kaya fresh ang itsura ko. Hindi present time. Ha-ha-ha!” sabi agad niya.

Mamamatay kasi yung karakter ko dito. Pagkatapos ng kasal namin ni Albert, tsugi na ako. Maliit lang yung role, pero gusto ko eh. After watching nga ng five-day episode,  bigla akong naging fan nina Albert at Yen. Nakakakilig sila and ang galing nila pareho,” dagdag pa ni Ina.

Itinanggi rin ng aktres ang isyung wala na siyang panahon sa asawa at limang anak dahil sa kabi-kabilang acting assignment niya.

“Hindi naman. Sobra naman ‘yon. Hindi naman mangyayari yan,” paglilinaw pa niya.

Alam mo ba na kahit anong puyat ko, gumigising pa rin ako ng 6:20 ng umaga para mag-prepare, para tumulong. Kasi siyempre, apat silang pumapasok sa school at the same time.

Alam mo yung parang may “chaos” tuwing umaga. Para kaming pumupunta ng airport, yung feeling na late na, bilis na...  But no, hindi ko naman pinapabayaan ang mga anak at asawa ko,” she said.

Pero hindi pa ba nagrereklamo ang asawa niya sa hectic schedule niya as an actress?

So far, hindi pa naman. Sabi ko nga sa kanya, magreklamo ka if ever, pero I don’t think, he will ever, ever complain. Talagang ako yung magkukusa pag napapansin ko na wala na talaga akong time,” katwiran pa niya.

Dumadagsa din ang inquiries kay Ina para maging product endorser pero mas marami raw siyang tinatanggihan dito kesa tinatanggap.

Yung sa Avon tinanggap ko kasi naniniwala ako don. Pero mas marami talaga akong tinanggihan. I’m so picky kasi gusto ko pag nag-endorse ako, someting na that I truly believe in and something na ginagamit ko. Kasi, gusto kong maging honest na endorser,” paliwanag ni Ina.

Thankful naman si Ina na sa dinami-dami ng mga artistang kaedad niya na gustong bumalik sa showbiz ay isa siya sa nabigyan ng pagkakataon.

I’m blessed, sobra. Kasi since 2001, on and off na rin ako sa showbiz kasi nga nagka-family na ako. Kung anuman yung dumarating kontento ako. But you know, in the future I can accept more. Siguro kasi sa tingin nila I don’t take it seriously kasi I have 5 kids, feeling nila, naku, mahirap yang mag-commit kaya yung mga offer sa akin, tipong namamatay agad yung karakter.

Pero sa totoo lang, handa ako sa kahit anong trabaho. Huwag silang matakot na meron na akong 5 kids. Willing ako to work at hindi ako mareklamong tao,” ends Ina.