• Home
  • Fresh Scoops
  • The Philippines will be joining Miss Grand International and Miss Globe pageants for the first time.

Bb. Pilipinas announces new queens to compete in international pageants

The Philippines will be joining Miss Grand International and Miss Globe pageants for the first time.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/31/2015 12:59 AM
Bb. Pilipinas announces new queens to compete in international pageants
083115-bbpilipinas_main.jpgBiglaan nagpatawag ng media conference ang Binibining Pilipinas Charities para sa isang major announcement. Sa panumuno ni Ms. Stella Marquez-Araneta, nag announce ang most prestigious beauty pageant organization na magpapadala na rin sila ng delegada mula sa ating bansa sa mga bagong international beauty search na Miss Grand International at Miss Globe.

Ang Dubai-born na si Parul Shah ang magre-represent ng Pilipinas sa 2015 Miss Grand International na magaganap sa Bangkok, Thailand sa October 26.  Si Parul ang kinoronahan as Bb. Pilipinas Tourism noong 2014 at masaya siya na siya ang napili para lumaban sa Miss Grand International.

"We just learned all of this today kaya ‘di pa po nag sink in sa amin ang lahat. We are very happy and excited to compete. I am thankful sa Bb. Pilipinas for trusting me with this. Patuloy naman po ang trainings namin under Binibini kaya I’m all set to go," sabi ni Parul. 

Si Ann Colis naman, na kinoronahan bilang Bb. Pilipinas Tourism 2015, ang ilalaban sa Miss Globe 2015 na magaganap sa Toronto, Canada sa October 11.

"Nakaka-excite po dahil aaminin ko rin na first time ko lalabas ng Pilipinas and paghahandaan ko po talaga ito para makapag uwi ng karangalan para sa bansa natin," lahad ni Ann. 

First time na sasali ng Binibining Pilipinas sa dalawang international pageants. 

42 years na ang Miss Globe na naka-base sa bansang Albania at organized ng Deliart Association owned by Petri Bozo.

Naka base naman sa Thailand ang Miss Grand International na may kampanya na "stop the war and violence" lalo na sa kababaihan.

Inaasahan na positive ang magiging resulta ng ating Pinay candidates sa dalawang international beauty search.