Mutya ng Pilipinas announces 2015 Queens

Janela Joy Cuaton and Leren Mae Bautista are hailed this year’s queens.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/3/2015 4:55 PM
Mutya ng Pilipinas announces 2015 Queens


080315-mutya_main.jpgTatlumpung magagandang Pinay ang naglaban laban ngayong taon para sa 2015 Mutya ng Pilipinas beauty search na nakatuon ang pansin sa Beauty Tourism upang mapalaganap ang turismo sa ating bansa.
 
Ang magkakapatid na Gutierrez na sina Ruffa, Richard at Raymond ang naging host sa kabuuan ng pageant na naganap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World.

Nagpatalbugan sa kasexyhan ang mga kandidata sa swimsuit competition na designed ng
ex-beauty queen and celebrity na si Maggie Wilson-Consunji. 

Maganda naman ang naging resulta ng modern terno competition na imbes na evening gown ay lumutang ang pagiging Pinay ng bawat kandidata suot ang terno na likha ng Pinoy fashion designers.

Inabangan din ang question and answer portion kung saan marami ang nakapansin na maganda at kakaiba ang naging tema ng katanungan this year na binubunot ng candidates sa fish bowl para parehas ang labanan.

Mula tatlumpu naging sampu na lang ang candidates at dito na pinili ang winners.
Sina Janela Joy Cuaton ng overseas community ng Doha, Qatar at si Leren Mae Bautista ng Laguna ang mga bagong reyna ng Mutya ng Pilipinas.

Si Janela Joy na nanalo bilang Mutya ng Pilipinas Tourism International, nagpasalamat sa kanyang supporters 

"Thankful po ako sa lahat ng naniwala sa akin from the start at syempre po sa family ko na naka suporta sa akin sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko"

Si Leren Mae Bautista na kinironahan bilang 2015 Mutya ng Pilipinas Asia Pacific, naging inspirasyon ang kanyang ina sa kanyang tagumpay

"Matagal na po ako sumasali sa mga beauty conpetition at malaking pasasalamat ko po at ako ang napili nila salamat salamat po talaga ang aking pamilya at ang aking ina ang inspiration ko po sa tagumpay na ito"

Ito na ang ika 47th year ng Mutya ng Pilipinas at inaasahan na mag uuwi ng international titles ang dalawang bagong Mutya.

080315-mutya1_main.jpg

080315-mutya2_main.jpg

080315-mutya3_main.jpg