• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin says he will be more critical when it comes to politicians he will support in the coming elections.

Coco Martin expresses disappointment in some politicians he supported

Coco Martin says he will be more critical when it comes to politicians he will support in the coming elections.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/29/2015 08:57 PM
Coco Martin expresses disappointment in some politicians he supported
083015-coco_main.jpgIsang very matured na Coco Martin ang humarap sa entertainment press during the his solo presscon para sa Ang Probinsiyano at game siyang nagpahayag ng reaksyon pagdating sa usaping pulitika.

May mga lumalapit na ba sa kanya ngayon na  gustong magpatulong at humingi ng kanyang endorsement para sa 2016 elections? Matatandaan kasi na malaki ang naging partisipasyon niya noong nakaraang eleksyon para ikampanya si Pangulong Noynoy Aquino,  Sen. Sonny Angara,  Sen. Grace Poe at iba pang puliko.

Honestly po meron, may mga nagtatanong. May mga lumalapit at nagpaparamdam po. Pero para sa akin po, hindi lang naman ako ang pinag-uusapan dito, sabi ko nga, napagod na rin ako, nagsawa na rin ako.

Kumbaga, parang lahat naman tayo, naghahanap tayo ng pagbabago hindi para sa ating sarili kundi para sa ating magiging anak, sa ating pamilya o sa lipunan natin. And then, napakaimportante po ng pagkakataong ito kung saka-sakali by next year sa election kasi 'yon po yung pagkakataon  na mahahawakan ko yung sarili kong pananaw at desisyon, kasi after that, pag naiboto ko na sila, wala na.

Kumbaga, sila na naman yung maghahari. Gagawin na naman nila kung ano yung gusto nilang mangyari, di ba? Sabi ko nga, this time mas magiging mahigpit ako sa mga taong tutulungan ko o paniniwalaan ko. Kasi, nakakapagod, eh. Nakakasawa. Kumbaga, may ibang tao kang tinulungan tapos magugulat ka na hindi naman pala karapat-dapat,” dire-diretso niyang pahayag.

Nakaramdam din ba siya ng disappointment o pagsisisi sa ibang mga pulitiko na tinulungan niya in the past?

“Merong iba, pero sabi ko nga, sa pagkakataong ito mas talagang magiging careful na ako. Kasi ang dami ko ring tinulungan at sinuportahan na alam kong nangangailangan ng tulong ko. Kaya lang... alam mo na.

“Pero may mga tinulungan din ako na talagang proud ako like si Sen. Angara, sobrang proud na proud ako dyan.  Si President PNoy, iba-iba ang opinyon natin pero para sa akin sobra akong proud para sa kanya po. And may iba kang tinulungan na parang hindi ano, eh...” pahayag pa ni Coco.

Eh, ano naman  ba ang magiging pamantayan niya sa susuportahang kandidato next year?

Unang-una siyempre, hindi naman sapat yung pangako lang. Siyempre, alam naman natin yung credibility ng bawat  tao, alam naman natin yung hangarin. Kung ako ang tatanungin, isa lang ang sasabihin ko, eh -- gusto ko  ng pagbabago.

Kung maaari nga, gusto ko lahat bago. Kasi para magkaroon talaga tayo ng bagong lipunan. Kung dati pa rin at dadagdagan lang natin yan at uulit tayo sa mga taong ilalagay natin sa posisyon sa gobyerno, anong mangyayari? Ganu’n pa rin, di ba? Sino bang mahihirapan, tayo rin naman di ba?

Honestly, may realization nga po ako na parang, bakit kami natatakot sa gobyerno, bakit kami natatakot sa mga taong nakaposisyon? Eh, kung tutuusin, tayo naman ang nagpapasahod sa kanila. Dapat tayo ang pinaglilingkuran nila. Kaya gusto ko talaga, kung maaari, bago lahat, bata lahat,”  giit pa niya.

Sa gitna ng interview, humingi rin ng despensa at paumanhin si Coco sa mga taong masasagasaan ng kanyang mga sinabi.

Sorry po kung may mga masasaktan pero ito po talaga yung pananaw ko,” pahayag pa niya.

Hindi naman binanggit ni Coco kung susuportahan niya si Sen. Grace Poe if ever kumandidato ito. Sa pagkakaalam daw niya ay wala pa ring desisyon ang senadora kung tatakbo ito sa mas mataas na posisyon.