Vice Ganda makes the dream of a blind child come true

The “It’s Showtime” hosts made Maria Feiline a very happy kid.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

8/28/2015 8:06 AM
Vice Ganda makes the dream of a blind child come true


082715-vicest_PUSH.jpgMuling nagpasaya ang komedyanteng si Vice Ganda at mga host ng “It’s Showtime!”  ng isang madlang pipol sa kanilang segment na “adVice Ganda.” Si Maria Feiline ay isang batang bulag na gustong magpagaling ng karamdaman at magkaroon ng mga gamit tulad ng karaoke, malaking teddy bear at swimming pool.

Isinakatuparan ito ng mga host at naisip ni Vice na kumuha ng picture kasama si Maria at i-post sa kanyang Instagram at Twitter account. Sa bawat “likes” at “retweet” hanggang matapos ang show ay may katumbas na piso at ang malilikom na likes at retweet ay magiging regalo para kay Maria.


Umabot naman sa 115,632 na libo ang regalo ni Vice at ng madlang online people.

082715-vicest1_PUSH.jpg

Bukod sa stuff toy mula kay Jugs, karaoke galing kay Anne Curtis at pera. Sinamahan ni Vice, Karylle at Kuya Kim Atienza si Maria sa kanyang instant birthday party. Nakipag bonding naman si Maria kay Vice at nagkaroon ng private swimming at private karaoke session.

Taos pusong nagpasalamat si Maria sa It’s Showtime family at sa madlang pipol.