• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibang-iba pala ang personality ng komedyanteng si Kitkat kapag nasa harap siya ng kamera o nasa entablado.

EXCLUSIVE: Kitkat reveals her ‘other side’

Ibang-iba pala ang personality ng komedyanteng si Kitkat kapag nasa harap siya ng kamera o nasa entablado.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/28/2015 09:52 AM
EXCLUSIVE: Kitkat reveals her ‘other side’
082815-kitkat_PUSH.jpgIbang-iba pala ang personality ng komedyanteng si Kitkat kapag nasa harap siya ng kamera o nasa entablado.

“Conservative po ako sa totoong buay!” Ito ang ini-reveal niya nang makausap siya ng Push.com.ph sa presscon ng Ex With Benefits kung saan gumaganap siya bilang kaibigan ng bidang si Coleen Garcia.

“’Yung nakikita nila sa akin sa stage, kapag nagsu-show ako at nagho-host, malayo yon sa tunay kong pagkatao. Kikay at maingay lang ako sa stage o sa harap ng kamera, pero sa personal, tahimik talaga ako,“ rebelasyon ni Kitkat.

Hindi rin daw siya gaanong maka-relate sa pagkakaroon ng “ex with benefits” dahil hindi naman siya ganu’n sa mga nakakarelasyon niya.

“Sa age ko, nakaka-apat na boyfriend pa lang ako. Ang una ko is nu’ng 14 years old pa ako. Ang mga nakakarelasyon ko tumatagal ng 3 years, 4 years tapos 5 years. Ganu’n akong makipagrelasyon. Yung present ko is pang-apat ko and 5 years na kami.

“Mahinhin naman talaga ako. Ha-ha-ha! Facade ko lang yung pagiging malandi ko. Ha-ha-ha!” pahayag pa niya.

“’ Yung mga kaibigan ko nga na nabubuntis tapos walang asawa, ang tagal nilang masabi sa akin. Iiyak pa yan, tapos sasabihin nila na sorry to disappoint you, kasi alam nila na hindi ako ganu’n, alam nilang against ako sa ganu’n, na magbe-baby ng walang asawa.

“Kasi, ano pa rin ako... kumbaga lumaki pa rin ako na... lumaki kasi ako sa mga school ng madre. Tapos hindi naman ako sobrang hinigpitan ng magulang ko dahil may tiwala sila sa akin. So, parang lahat ng steps ko sa buhay ko, pinagpaplanuhan ko.

“Kaya minsan naba-blind item ako na lasengga ako, eh, I never drink. Wala akong bisyo. As in, madaldal lang ako, talagang naging komedyante lang ako, nagpapatawa ako at siyempre, inaamin kong retokada ako pero hindi ako yung tipo ng tao na nakikipag-one night stand. Manang ako talaga at hindi ako malandi!” dagdag na pahayag pa ni Kitkat.

Eh, paano ba niya naihihiwalay ang pagiging “wholesome” sa totoong buhay kapag nasa stage na siya?

“Alam mo pag nasa stage ako, nag-sta-stand-up comedy ako, ang portrayal ko don, malandi ako. Ang nasa utak ko, habang nagsu-show ako, malandi ako. Kailangan kong maglandi kasi kailangan kong kumita ng pera at saka trabaho yon.

“Pero sabi ko nga, pagdating sa bahay, ibang-iba ako. Kaya kong mag-stay ng isang linggo na nasa kuwarto lang... Hindi ako maaya basta-basta. Ayoko na nga ng maingay kasi maingay na ako. Pupunta ako sa mga bar, ayoko.”

Maraming pagkakataon din daw na hindi maiiwasang bastusin siya. Pero paano ba niya hina-handle ang ganitong sitwasyon?

“Alam mo yung mga una ko sa stand-up comedy bar, kapag nababastos ako, pag-uwi ko, umiiyak ako. Eh, yon talaga, eh, dito ka kumikita. Hindi mo naman puwedeng ipakita na pikon ka na, na buwisit ka na, siyempre, gagawin mo pa rin sa biro.

“At dahil hindi naman talaga ako tulad nu’ng iniisip nila na nakikipag-one-night stand o malandi, sinasabi ko sa kanila na tapos ako ng pag-aaral, hindi ako ganitong babae, may talent ako. So, yung talent ko, yon ang gagamitin ko para kumita ng pera. Nadidiretso ko naman sila,” paliwanag pa niya na siyempre, ikinabilib namin.

Samantala, bukod kina Kitkat at Coleen, kasama rin sa Ex With Benefits si Derek Ramsay at Meg Imperial. Ang pelikula ay sa direksyon ni Gino Santos, produce ng Star Cinema at ipapalabas na sa September 2.