• Home
  • Fresh Scoops
  • Joel Lamangan also divulges why he asked producers to get Dennis Trillo for the title role.

Direk Joel Lamangan explains why Kathryn Bernardo is not in "Felix Manalo" movie

Joel Lamangan also divulges why he asked producers to get Dennis Trillo for the title role.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/28/2015 08:01 AM
Direk Joel Lamangan explains why Kathryn Bernardo is not in "Felix Manalo" movie
082715-joellamangankath_PUSH.jpgCasting coup ang pelikulang Felix Manalo na idinirek ni Joel Lamangan at prinodyus ng Viva Films na ipalalabas sa October 7. May mga artistang kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang may mga special role din sa pelikula.

Kabilang dito sina Ejay Falcon, Regine, Angeles, Gladys Reyes, Richad Quan, Christopher Roxas at iba pa. Hindi tuloy maiwasang tanungin si Direk Joel kung kinonsider ba nila si Kathryn Bernardo, INC member din, na mapasama sa bio-flick ng INC founder.

“Na-consider po si Kathryn. Pero sa kadahilang hindi umuugnay ang kanyang schedule sa aming syuting, hindi siya natuloy,” rason ni Direk Joel. 

“Mas importante pong ituloy ang shoot kesa maghintay ako ng tatlong buwan kay Kathryn Bernardo. Kaya amin pong pinush through without her. Pero meron po naman kaming mga kabataan sa movie. Hindi na po namin siya na-invite dahil napaka-busy po ni Kathryn Bernardo,” katwiran pa niya.

Lantad ang pagiging Noranian ni Direk Joel kaya natanong din ito kung bakit hindi isinama sa pelikula si Nora Aunor.

“Eh, wala namang bagay na role kay Nora Aunor. Hindi naman siya puwedeng minister, wala hong bagay kay Ate Guy. Dahil pag si Ate Guy, dapat malaki ang role na ibibigay mo. Masyado namang insulto kung ang syuting niya ay half a day lang,” rason ulit  niya.

“Kaya naman hindi basta-basta mo lang siya ika-cast dahil  siya naman ay may pangalan na, kung wala namang role na maibibigay na meaty for her, out of respect, hindi na lang natin siya iku-consider,” depensa niya.

Ipinagtanggol din niya ang pagpili kay Dennis Trillo para gumanap na Felix Manalo.

“Ako ang pumil sa kanya. Dahil nakatrabaho ko na siya, ako ang nagbigay sa kanya ng grand slam (sa pelikulang Aisheti Imasu) . Nakagawa na kami ng tatlo, pang-apat na ito. Puro period ang pelikula naming ginawa kaya siya ang naisip ko dito sa Felix Manalo kasi period din.

“Alam ko rin na mahusay siya at magagampanan niya nang tama ang hinihingi nito. Alam kong meron siyang dedication sa ginagawa niya. Alam ko yung focus niya.  Alam ko rin na open siya sa mga suggestions na manggagaling sa akin at sa mga taong nirerespeto niya. Alam kong pagtatrabahuhan niya at alam kong kakayanin niya,” pahayag pa niya.

Ayon pa sa batikang director, lalo niyang hinangaan si Dennis nu’ng nag-portray na siya bilang matandang Ka Felix.

“Hindi ako nagdalawang isip na i-discuss sa aking creative producer na si Dennis na lamang ang gawin namin hanggang sa pagtanda. Kasi alam kong kakayanin nya. Kasi kung hindi ko alam na kakayanin niya, eh, di huwag na. Pero nakita ko na kaya niya at in-approve naman ng Viva at Viva din believes in him so natupad na siya ang magiging Felix Manalo maging sa pagtanda niya na,” he said.

Sa palagay ba niya, mananalo ullit ng acting award si Dennis sa pelikula?

“Oo naman! Walang kagatul-gatol. without batting an eyelash,” pagmamalaki pa niya.

Ang iba pang malalaking artista na kasama sa Felix Manalo ay sina Phillip Salvador, Gabby Concepcion, Snooky Serna, Richard Yap, Heart Evangelista at Elizabeth Oropesa.

“Lahat ng mahuhusay na artista ay nandito. Lahat sila ay award-winning kaya napakadali ng trabaho ko. Walang nag-attitude.Kahit si Dennis hindi nag-attitude.

“Takot sila nag mag-attitude kasi kilala naman nila ako.Sa tagal ko na sa pelikula, walang karapatang mag-attitude kasi hindi naman nag-a-attitude ang lahat. Lahat ay nakikipag-cooperate,” pagmamalaki ulit ng director.

Ayon kay Vincent del Rosario ng Viva Films, inabot ng P150 million ang budget ng pelikula kasama na ang marketing. Base naman sa pahayag ng INC, may purpose kung bakit ginawa nila ang bio-pic ni Ka Felix kaya wala silang pakialam sa box-office result gn pelikula.