
Usong-uso na talaga ngayon ang iba’t ibang mga social networking sites kung saan nakakapag-usap ang mga tao sa paraan na kanilang gusto. Mapa-Facebook, Twitter, o Instagram man, siguradong hooked na hooked ang madlang pipol sa mga trending topics na talaga namang inaabangan araw-araw.
At siyempre, hindi magpapahuli ang mga celebrities ‘pag ito na ang pinag-uusapan. Ang mga social networking sites ng mga artista ang kadalasang nasa trending list sa Pilipinas dahil sa dami ng kanilang followers.
Sino nga ba ang may pinakamaraming followers sa kanilang mga social networking accounts? Narito ang ilan sa mga sikat na “twitter millionaires” dahil sa milyun-milyon nilang followers:
1. Anne Curtis Smith (@annecurtissmith) - 8 067 194 followers
2. Angel Locsin (@143redangel) - 6 416 345 followers

3. Jose Marie Viceral (@vicegandako) - 5 621 389 followers

4. Kathryn Bernardo (@bernardokath) - 4 937 051 followers

5. Angelica Panganiban (@sectorkekz) - 4 792 879 followers

6. Yeng Constantino (@YengPLUGGEDin) - 4 633 241 followers

7. KC Concepcion (@kc_concepcion) - 4 375 281 followers

8. Bianca Gonzalez (@iamsuperbianca) - 4 349 150 followers

9. Luis Manzano (@luckymanzano) - 4 238 558 followers

10. Cristine Reyes (@_CristineReyes) - 4 066 240 followers
