Jukebox Divas prepare current hit songs for their concert

Jukebox Divas plan to surprise their audience with current hits for their concert.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/27/2015 10:27 AM
Jukebox Divas prepare current hit songs for their concert


082715-jukeboxqueen_PUSH.jpgPinuntahan ng Push.com.ph ang Jukebox Divas na sina Imelda Papin, Claire dela Fuente at Eva Eugenio sa rehearsals para sa kanilang The Legendary Jukebox Queens reunion concert na magaganap na sa August 31 sa Newport Theater sa Resorts World.

Dito isa-isa natin silang nakausap kung ano ang kanilang paghahanda para sa kanilang nalalapit na concert. Nai-share ng tatlo na pasabog ang kanilang mga outfits.

Kuwento ni Imelda, siya ang pinaka sexy sa kanilang tatlo

"Ay ako magpapa-sexy ewan ko doon sa dalawa! Ang Imelda Papin lagi sexy basta may show!"

Si Claire naman, humahabol pa rin sa pagda-diet para mas sexy sa gabi ng kanilang performance

"Naku ang gusto ni imelda mag pa-sexy at mag two-piece daw kami eto tingnan natin kung kaya iniinuman pa ng marami xeynor (laughs)."

At para kay Eva Eugenio, wala silang kupas at may asim pa.

"May sampaloc pa! (Laughs) may vinegar pa!"

Expected na daw na kakantahin nila ang kanilang Jukebox hits na laging niri request ng kanilang followers gaya ng "Bakit,” “Kung Liligaya Ka sa Piling ng iba” "Sayang," at “Tukso."

Pero ang malaking pasabog ay ang inihahanda nilang pagkanta ng current hits mula sa current hit makers na sina Miley Cyrus, Rihanna at Katy Perry.

Normal daw at kinakabahan pa rin sila kahit apat na dekada na silang nagpe-perform sa harap ng malaking audience.

Almost sold out na ang tickets at plano rin na dalhin ang concert sa isang world tour para mapanood ng mga Pinoys sa iba’t ibang bansa.