• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kyle Echarri of The Voice Kids 2 says he wants to become an actor

EXCLUSIVE: Kyle Echarri of The Voice Kids 2 says he wants to become an actor

Kyle Echarri of The Voice Kids 2 reveals he has a showbiz crush.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/26/2015 9:46 AM
EXCLUSIVE: Kyle Echarri of The Voice Kids 2 says he wants to become an actor


082615-kyleechari_PUSH.jpgHindi man pinalad na makapasok sa grand finals ng The Voice Kids 2 si Kyle Echarri mula sa team ni Sarah Geronimo, masaya pa rin ang guwapitong Filipino-Spanish boy na umabot siya sa live semi-finals ng contest.
 
Ayon sa bagets, bata pa lang siya nang matutong kumanta and it was his mom who convinced him to join The Voice Kids.
 
“When I was three years old po I started singing na, but it was like singing in in the shower lang po. But I wanted to join na rin sa The Voice Kids because I watched it po in America.
 
“My mom convinced me to join the contest. She said na I can do it po. My mom always wanted the best for me and she’s always giving me… like if she thinks na I can do it, she will let me do it,” kuwento ng tinagurian ding “Football Heartthrob ng Cebu.”
 
Eh, ano ang plano niya lalo na ngayong tapos na ang journey niya sa The Voice Kids? Gusto rin ba niyang mag-artista?
 
“Opo. I hope and pray that I will be able to become an actor,” diretso niyang pahayag.
 
Dahil isang taon pa lang naninirahan si Kyle sa Pilipinas, wala pa siyang mabanggit na paborito niyang actor.
 
“I don’t watch much, but it’s just I forgot the name of the shows. I only watch Pangako Sa Yo... And I find a lot of actresses in the Philippines beautiful,” sey pa niya.
 
Eh, sino naman ang crush niya sa showbiz?
 
 “Si Liza Soberano po!” pag-amin ni Kyle. “Kasi po, ah... she’s beautiful po and very nice po. She seems like a very nice person,” ang kinikilig pa niyang pahayag.
 
Now that Kyle will try his luck in showbiz, dito na raw sila maninirahan sa Pilipinas ng kanyang pamilya.
 
“One year ago po I moved to Cebu with my family. First, it was just for a vacation lang po but we decided to stay for good,” sey pa niya.
 
Samantala, naikuwento rin ni Kyle na nakausap na niya ang kababayang si JK Labajo, third placer ng The Voice Kids season 1 at nagbigay daw ito ng advice sa kanya.
 
“He told me to always keep my feet on the ground and be humble always,” pagtatapos ni Kyle.