Former Moonstar88 vocalist Acel Van Ommen celebrates 20 years with a star-studded concert

Former Moonstar88 vocalist Acel Van Ommen

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/25/2015 10:31 AM
Former Moonstar88 vocalist Acel Van Ommen celebrates 20 years with a star-studded concert
082515-acelvanommen_push.jpgNagbabalik showbiz at concert scene ang former Moonstar88 band vocalist na si Acel Van Ommen na binansagan na "Original Hugot Queen" dahil sa madamdamin at kurot sa pusong style ng pagkanta na nae-experience ng kanyang audience sa tuwing siya ay nagpeperform. Ngayon after 20 years, nami-miss ni Acel ang concert stage kayat ise-celebrate niya ang unang dalawang dekada niya bilang performer.

"Nakaka-miss po ang ganito na may pinaghahaandaan na isang concert. ‘Yung pipili ka ng mga kanta na sigurado na dapat magugustuhan ng audience mo, ‘yung sunod-sunod na rehearsals at siyempre yung makasama mo ulit ang mga dati mo katrabaho."

Makakasama ni Acel sa kanyang balik concert na ito ang close friend niya na si Yeng Constantino na kasama niyang nagsulat ng kantang "Palawan" para sa anti-mining campaign na naging contribution nila sa pagmamahal sa kalikasan noong 2011.

Markadong kanta ni Acel ang "Torete," "One Love," "Sulat" at "Pagibig Kong Ito" kasama ang Moonstar88 na sumikat early 2000s. Asahan na muli itong maririnig at magkakaroon din ng reunion ang members ng band sa one night concert na ito na magaganap sa August 28 sa Teatrino Greenhills.