Will Kris-Tek movie still push through?

Mayor Herbert Bautista says he's ok if "Mr. and Mrs. Split" won't make it to the Metro Manila Film Festival this year.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/24/2015 2:30 AM
Will Kris-Tek movie still push through?


082415-bistek_main.jpgIsa si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa special guest ni Mother Lily Monteverde sa kanyang 76th birthday bash kaya natanong siya ng ilang entertainment press kung desidido nab a talaga siyang tumakbong senador sa 2016 elections.

Kung siya raw ang masusunod, gusto muna niyang tapusin ang kanyang termino bilang mayor ng Quezon City.

“Kasi sayang naman, last term ko na, kaya kung ako ang magdedesisyon, mas gusto kong maging reelectionist,” sabi niya.

Eh, paano kung sabihin ng partido niya na kailangan niyang tumakbong senador, ano ang magiging desisyon niya?

“Wala pa naman eh. Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari. Mid-September, may final decision na yon,” paliwanag niya.

Hindi pa raw kasi nagkakaroon ng meeting ang partido nila thngkol dito dahil naka-focus pa lang sila sa paghahanap ng Vice President ni Mar Roxas.

Humingi na rin ang Push.com.ph ng update kay Bistek tungkol sa pelikula nila ni Kris Aquino at kung matutuloy pa ito.

“Depende yon kay Kris. Lately kasi, di ba, sabi nila nagkakasakit (si Kris), so depende talaga sa kanya at sa Star Cinema,” reaksyon niya.

Isa rin daw sa dahilan kung bakit hindi pa sila nakakapagsyuting ni Kris ay dahil “ghost month” ang August at tinatapos din ng aktres ang Etiquette for Mistresses.

“After ng ghost month, start na kami dapat, second week ng September ang start ng shooting, pero depende pa rin yon talaga kay Kris at sa Star Cinema,” sabi pa niya.

Okay naman daw na hindi na lang isali sa Metro Manila Film Festival ang pelikula nila ni Kris kung patuloy na made-delay ang shooting nito.

“Puwede namang February ang showing. Kasi ang local (campaigning) start naman ng March. Pero iba pa rin yung fimfest,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Bistek, nakapagshooting na siya ng pelikula.

“Nag-day 1 na ako, pero ako lang yon. So, hindi ko lang alam kung may day 2 pa. Hahaha,” biro pa niya.

“ Pero sana matuloy para naman may trabaho ako,” hirit pa niya. 

Nagkausap na ba sila ni Kris ulit about the project?

“Yung technical people nagkausap na kami, kasi nga di ba, baka hindi matuloy kasi nga nagkakasakit siya (Kris). Sila muna yung kinausap ko.

“Kapag hindi natuloy, siyempre sad yung feeling. Pero positive pa rin ako na matutuloy kami,” say pa ni Bistek.

Tinanong ulit namin si Herbert kung ano bang gusto ni Kris na takbuhin niyang posisyon next year. Sagot niya: “Si Kris? Reelect din siyempre.”

Mainphoto courtesy of   www.investvine.com