• Home
  • Fresh Scoops
  • Vilma Santos answers questions regarding Luis Manzano's future political career

Vilma Santos answers questions regarding Luis Manzano's future political career

The actress says she feels her son is not yet ready for politics.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/23/2015 8:40 AM
Vilma Santos answers questions regarding Luis Manzano's future political career


082615-vilma_main.jpgKinumpirma na ni Batangas Gov. Vilma Santos ang plano niyang pagktabo bilang kongresista para sa nag-iisang distrito ng Lipa. Ginawa niya ang pag-amin sa ilang entertainment press na dumalaw sa kanya sa syuting ng pelikulang ginagawa niya sa Star Cinema kasama sina Angel Locsin at Xian Lim.

Dahil sa pahayag na ito ni Gov. Vi, natuldukan na ang isyu na tatakbo siya bilang bise president ng Pilipinas at magiging running mate ni DILG Secretary Mar Roxas.

Salamat sa mga nagtitiwala, pero alam ko ang sarili ko kung saan ako magiging epektibo at kaya ko. When I say kaya, I’m talking about mentally, physically, emotionally.

“’Yung emotionally, I still cannot sacrifice my personal life, my family. Hindi ako handang isakripisyo ‘yun. I am not ready to sacrifice my family,” sabi pa ulit ng aktres.

Kahit pa nai-announce na ni Gov. Vi ang pagtakbo niya sa Congress, hindi pa rin siya tinatantanan ng mga tao at patuloy na kinukumbinse. Posible pa bang magbago ang kanyang desisyon tungkol dito.

Wala. because I am not prepared for that kind of position because I don’t want to sacrifice my family,” giit ulit niya.

Ayon pa sa kanya, wala naman daw nagging formal talk na nagaganap or nagaganap tungkol dito.

Walang formal talks. Mga ano ‘yan, publicity, pasaring. But a formal talk, wala. That’s why I’m not entertaining it. Pwede ko kayong sagutin kung may formal na usapan. Wala naman, eh.

Kung hindi siya prepared sa pagtakbong vice president, sa palagay ba niya ay handa na ang anak niyang si Luis Manzano na tumakbo sa pulitika?

“Si Luis, ask him, but I don’t think my son is prepared. At hindi ko naman papayagan ang anak ko na… kasi it’s a sacrifice. Hindi ko papayagan ang anak ko na para sabihin na ‘kasi, lucky’, no. Kasi, hindi madali, eh, hindi madali,” pahayag pa niya.

Sa hiwalay na interbyu naman namin kay Luis sa The Voice Kids 2 presscon, nabanggit niya na kung anuman ang magiging desisyon niya kung kakandidato ay hindi raw nakadepende sa mommy niya.

Kung may gagawin ako, hindi ko yon gagawin  kasi desisyon yon ng ibang tao,” say naman ni Luis.