• Home
  • Fresh Scoops
  • Ina Alegre leaves for Belarus today to compete in the international beauty search.

Ina Alegre brings Papal rosary for good luck to Mrs. Universe 2015 pageant

Ina Alegre leaves for Belarus today to compete in the international beauty search.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/24/2015 02:10 AM
Ina Alegre brings Papal rosary for good luck to Mrs. Universe 2015 pageant
082415-ina_main.jpgAalis ngayong araw (Lunes) si Ina Alegre papuntang Belarus para maging kinatawan ng Pilipinas sa 2015 Mrs Universe beauty pageant. Halos dalawang buwan na nag prepare si Ina para sa competition na ito at doble ang kanyang kaba dahil first time niyang sasabak sa isang international beauty search na gaya nito.

"Nakita ko na ang pictures at profile ng mga makakasama ko sa batch ng candidates lahat sila magaganda pero siyempre ginagawa natin ang best natin para di naman tayo mapahiya and hopefully maiuwi natin ang korona."

Suportado si Ina ng kanyang pamilya, ng kanyang mister at mga anak sa kanyang laban na gagawin. Nai share din ni Ina ang kakaibang round ng competition na sa Mrs. Universe lang napapanood.

"Magkakaroon ng round na dadamitan namin ang dalawang bata ng parang isang normal school day sa bansa kung saan kami nanggaling. Dahil mommy na kami dito makikita ang husay at kultura natin na mga nanay na mula pa sa ibat ibang parte ng mundo."

Request ni Ina na ipagdasal ang kanyang laban at dala nya rin ang isang goodluck charm para makabawas sa kanyang kaba.

"Noong Papal Visit mayroon ako ng rosary, iyon ang dadalhin ko at hindi talaga yan nawawalay sa akin kahit nasaan man ako."

Sa August 30 magaganap ang competition at umaasa si Ina na makakapag bigay siya ng karangalan sa ating bansa.